FRIDAY, APRIL 29, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

TAMA KA BA?

SERIOUSLY!?

ENTERTAINMENT
Marian, `di kayang tingnan si Tom pag naka-brief!
 


 

Hindi pa tao si Marian Rivera nang ipalabas ang Joey Gosiengfiao classic na Temptation Island nu’ng 1981.


“Wala pa ako noon. 1984 ako pinanganak, pero naririnig ko na ‘yung movie,” sambit ni Marian nang makausap namin sa Playa Resort Hotel sa Currimao, Ilocos Norte.


Ano ang feeling niya at kasama siya sa remake ngayon ng classic movie?


“Nakakatuwa pero ina­amin kong sobrang bago sa ‘kin ang character ko. Ngayon lang ako gumawa ng ganitong role na sobrang... Hindi naman ma­landi... Malandi talaga na literal!

Maharot!” kuwento pa ng aktres.


Pinanood daw muna ni Marian ang DVD ng movie bago sumabak sa syuting sa Ilocos. Sa kanya nga napunta ang role na unang ginampa­nan ni Azenith Briones.


“May times na nagagaya ko si Azenith, pero binigyan ako ng freedom ni direk (Chris Martinez) sa gusto kong gawin. Hindi ko naman sinabing iniba ko ang role,” rason ni Yan-Yan.


Kumusta naman si Tom Rodriguez na leading man niya na red brief lang ang suot parati sa eksena?


“Isang eksena lang ‘yon! Ha! Ha! Ha!


“Pag most of the time na naka-brief siya, wala ako doon! At hindi ako tumitingin! Pag nandoon ako, ‘Rolling!’ Ha! Ha! Ha! Cut at dedma na!” natatawang sey niya.


Kunsabagay, iba kasing lalake ang madalas niyang nakikita na naka-brief lang.


“Ayyyy! Eeeeee! Pinagpawisan ako doon! Pramis!” tumitiling reaksiyon ni Marian.


“Pero, mabait naman si Tom. Lahat naman kami nagba-bonding! Mas kachika ko syempre mga babae tungkol sa kung anu-anong kaartehan!” dugtong na hirit ni Marian.


Pero, bakit hindi siya umiitim kahit madalas siyang babad sa araw?

“Oo nga, eh. Kasi naman inaalagaan ko ang sarili ko. Pag cut na, may talukbong agad ako. Pa­yong agad!


“Nadala na kasi ako dati sa Dyesebel nu’ng nagka-sunburn ako. Okay lang umitim pero ‘yung sakit na parang ‘yung balat mo nai-stretch! May panlaban naman ako sa araw!” pahayag lang ni Marian.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 43.0300
Bahrain Dinar 114.139
Euro 63.9511
HK Dollar 5.53897
Japan Yen 0.526582
Saudi Riyal 11.4736
S’pore Dollar 35.1121
Taiwan Dollar 1.49826
UAE Dirham 11.7149
UK Pound 71.9522
COLUMNIST OF THE DAY
Kamay na bakal sa oil companies
   
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section