"GABAY NG DIYOS"

Nagpapasalamat akong lagi sa
aking Diyos tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;

Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman.

CORINTHIANS 1:4-5

www.abante-tonite.com

PANDARAYA NI RECOM!

Abante Reportorial Team

BANGKAY NA!

Dito sa bahaging ito ng Bgy. Batad, isang sikat na tourist spot at picturesque village na pinapaligiran ng world famous amphitheater-like rice terraces natagpuan ang bangkay ng nawawalang Amerikanang peace corps volunteer na si Julia Campbell (naka-inset), 41-anyos, na nakabaon sa lupa ang bahagi ng katawan nang marekober ng mga naghahanap na rescue team ng 502nd Infantry Brigade sa tulong ng mga dalang K-9 kahapon. (AP Photo)

Higit pa sa P5 billion ang utang ng Kalookan City sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Recom Echiverri.

Bukod doon, inilalagay pa niya ang mga empleyado ng siyudad sa panganib kung sakaling mangailangan ng loan sa Government Service Insurance System (GSIS).

Hindi sila bibigyan ng loan dahil hindi nare-remit ni Recom ang kontribusyon ng siyudad at empleyado nito sa GSIS, Pag-Ibig at Philhealth. 

Sang-ayon sa report ng Commission on Audit (COA) noon pa halos P105 million ang utang ng Kalookan sa mga nasabing ahensya ng gobyerno. Ang malaking bahagi ng halagang ito ay nakaltas na sa pay envelope ng mga empleyado.

Pero ang kanilang kontribusyon at katapat ng kontribusyon ng siyudad ay hindi nare-remit o napapadala sa nasabing ahensya.

Ito ang report ng COA: Compulsory premium contributions of the employees to the GSIS, Pag-Ibig, and Philhealth including employer’s (Kalookan City) share totaling P104,956,061.31 remained unremitted contrary to GSIS memorandum circular.

Ang mga maliliit na empleyado ay nagbabayad ng buwis sa tinatawag na withholding tax. Ibig sabihin kaltas na ang buwis sa suweldo. Dapat ipadala ng Kalookan ang mga nakaltas na halaga sa Bureau of Internal Revenue.

Pero hindi napapadala, sang-ayon sa Commission on Audit.

Ganito ang sabi ng COA sa kanilang report: "failure to remit to the Bureau of Internal Revenue taxes withheld from employees, contractors and suppliers in the total amount of P161.117 million... resulted in the accumulation of the liability accounts, thus, depriving the national government of funds needed for its programs and projects.

Kontra sa sinasabi ng Local Government Code, hindi rin napadala ni Recom sa 188 barangay ang halagang P47.345 million na kabahagi nila sa real property tax na nakolekta ng Kalookan.

Samakatuwid, pinagkailaan ni Recom ang 188 barangay ng pera na para sa kanila. Marami silang proyekto na hindi napondohan.

Noong 2004, bumili ang Kalookan ng tinatawag na "consumable items" na nagkakahalaga ng P72 million.

Sinabi ng COA na hindi maipakita sa kanila ang mga dokumento na nagpapatunay na binili nga ang mga "consumable items".

Ito ang report ng COA: "The veracity of the actual existence of the deliveries of consumable items totaling P72 million can’t be determined since COA was not notified of said deliveries and the report of inspection and proof of acceptance thereof were not submitted..."

Habang patuloy na nangyayari ang mga ano- malyang ito na pinatutunayan ng COA report, lumaki naman ang budget ng Office of the Mayor. Noong 2004, ang budget ng opisina ng mayor ay P9.5 million.

Noong sumunod na taon, 2005, biglang lumaki at naging P20 million para sa capital outlay.

Ang tinatawag na capital outlay ay perang nakalaan sa mga proyekto ng siyudad.

Walang makapagpatunay kung sa Kalookan lahat nagamit ang capital outlay.

Samantala, bigla ring lumaki ang "maintenance and other operating expenses mula sa P66.305 million noong 2004 hanggang sa P88.673 million noong 2005.

Nagtataka ang mga taga-Kalookan kung bakit ang health department ng lungsod ay binigyan lamang ng P27.450 million.

Sa report ng Department of Social Welfare and Development, isang barangay lamang ang napinsala ng Bagyong Yoyong noong 2004. Sampung pamilya ang naapektuhan at 50 ang na-record na kailangang tulungan.

Walang imprastrakturang nasira ang bagyo sang-ayon sa report ng Department of Public Works and Highways.

Ganu’n pa man, nagdeklara si Recom ng kalamidad para makakuha ng calamity fund.

Hindi pa naipapaliwanag ni Recom sa mga taga-Kalookan kung magkano ang nakuhang calamity fund at kung sino ang nakinabang dito.

<BACK