MAGKASABAY
ang magkahiwalay na presscon nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto
noong Miyerkules nang gabi.
Sa isang restoran sa San Juan ginanap ang presscon ni Juday para
sa pelikula niyang Ploning, at sa bakuran naman ng ABS CBN 2 ginanap
ang presscon ni Claudine para sa bagong show niya, ang Maligno.
At dahil sa magkatapat na presscon na `yon, muling naungkat ang
lumang intriga sa kanila. Sabi, may silent war talaga sina Juday
at Claudine.
Sa interview namin kay Claudine, pinagtakhan niya ang muling pang-iintriga
sa kanila ni Juday. Lalo na noong tinanong siya kung okey na ba
sila ni Juday.
“Ang alam ko, wala kaming problema ni Juday. Okey kaming dalawa.
“The last time na nagkasama kami, nagpa-picture taking pa
kami. Masaya kami at nagkuwentuhan pa kami.
“’Yun `yung may ginawa kami… Basta, `yun na `yon,”
paiwas na kuwento ni Claudine.
Ang commercial na pinagsamahan ba nila ang tinutukoy ni Claudine
na ginawa nila ni Juday?
“Basta kami ni Juday, hindi kami madalas magkita o magsama.
Pero, everytime naman na nagkikita kami o nagkakasama, like nung
last time, masaya talaga kami.
“Nag-uusap kami tungkol sa mga kids. Sabi nga niya nami-miss
niya ‘yung baby niya.
“We were talking about our kids. Actually, natuwa nga siya
nung makita niya ang mga anak ko. Nag-surprise visit kasi si Raymart
(Santiago) sa amin, at nakita ni Juday ang mga anak ko.
“We’re not that close ni Juday, pero we’re friends.
May mga ganun naman na kakuwentuhan lang o kakilala lang, pero kaibigan
mo na kahit hindi mo naman talaga close o hindi mo kilala nang buung-buo,”
esplika ni Claudine.
Gusto rin ni Claudine na maging matalik na magkaibigan sila ni Juday.
Pero sa paniniwala niya, magiging mahirap ito
para sa kanilang dalawa.
“Ako gusto ko talaga. Pero magiging hard ito para sa aming
dalawa dahil people want us to compete.
“Mas magiging makulay yata kung may ganyan. Sabi ko nga, hindi
ko alam kung kailan matatapos ito. Kasi like ngayon may pamilya
na ako, may mga anak na ako.
“Okey kami ni Juday. Actually, may mga pagkakataon na nagkakaroon
ng chance na magkita o magkasama sa mga okasyon o sa kung ano, pero
hindi ‘yon natutuloy.
“Pero okey lang naman, kasi kapag kami ang nagsama at nagkita,
okey kami,” patuloy na sabi pa ni Claudine.
Kung ang isyu sa kanilang dalawa ni Juday ay kung sino sa kanila
ang reyna ng ABS CBN 2, para kay Claudine lahat daw sila ay pare-parehong
alaga ng ABS CBN 2.
Hindi raw niya nararamdamang reyna siya sa Kapamilya Network, dahil
ang nasa isip lang niya ay ang magtrabaho.
In the future, gusto ni Claudine na magkasama sila ni Juday sa isang
project.
|