Miss USA-Philippines, type mag-showbiz!

 

DUMATING sa Pilipinas kamakailan si Krista Kleiner, ang nagwagi sa 2008 Miss USA-Philippines. Interesado na mag-showbiz si Krista, kaya agad siyang nagpa-re­gister sa Quezon City Shi­ning Stars Acting Workshop, ang project ni Kon. Ariel Inton.


Anyway, nakakatuwa itong si Krista, dahil marunong siyang magsalita ng Tagalog, ha! Hindi nga siya tulad ng ibang artista nga­yon na gusto palang mag-showbiz, hindi muna nag-aral mag-Tagalog.


Anyway, isa nga sa dinalaw ni Krista ay ang Quezon City Hall, at masaya naman siyang sinalubong nina Mayor Sonny Belmonte, at Kon. Aiko Melendez.


***


Todo raprapan at walang tigil na hiphopan ang magaganap kapag rumatsada na ang master rapper na si Francis Magalona sa May 1, 2008, sa Serve Disco.


Ang “Flags of the Master” ang kauna-unahang interactive disco-concert na gagawin ni Francis M., ang nagpasikat sa mga kantang “Mga Kababayan Ko”, “Ito Ang Gusto Ko”, “Kaleidoscope World”, at “Meron Akong Kwento”.


Well, hindi lang sa rap magaling si Francis, dahil mahusay talaga siyang kumanta. At siguradong may mapupulot na magandang mensahe sa kanya.


Sabi nga, pure clean fun rap songs ang ginagawa ni Francis.


Kung type niyong manoon, tawag lang sa 995-0874/995-8896.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section