www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Aso ang bodyguard

 

Lumitaw ang pagkakaroon ng baltik ng isang miyembro ng Upper House nang hindi nito mapigilang magpakita ng kakaibang ugali sa isang media interview kamakailan.


Sa impormasyong nakuha ni Mang Teban, napatunayan daw ng isang mamamahayag ang kaprani­ngan ng isang lady solon matapos na personal itong kapanayamin sa kanilang bahay.


Sa naturang exclusive interview ng mamamaha­yag, nagpakita raw ng kakaibang ugali ang mambabatas matapos na kumuha ng dalawang bodyguard sa kanyang tabi habang siya’y kinakapanayam.


Ang siste, hindi naman ‘yung mga taong matitipuno ang kinuha ng lola kundi ‘yung dalawa nitong malalaking aso na natuturuan nitong kumilos.


Biro pa raw ng senadora, kailangan niyang may katabing aso sa interview dahil ito ang magtatanggol sa kanya kapag may pagkasalbahe ang tanong sa kanya.


Kaya ang nangyari, habang kinakapanayam daw ang mambabatas ay nakatutok naman ang dalawang malaking aso na tila handang sakmalin ang reporter kapag nakapagtanong ito ng pabalang.


Hindi tuloy mapa­kali ang reporter sa pagta­tanong sa lady solon kaya imbes na mahaba-haba sana ang interview ay naging maikli ito dahil dali-dali na itong umuwi at baka ipalapa pa siya sa mga aso.


Pintahan n’yo na: Ang senadorang ito ay kilalang mayaman subalit mahilig takbuhan ang mga bill sa restaurant. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mayamang Matapobre.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section