Sobrang protina nakakataba


Hindi kailangan ng ating katawan ang sobrang protina dahil nakakataba ito.

Ayon sa pag-aaral ang average adult ay kumokonsumo ng halos 78 grams ng protina kada araw kumpara sa 53 grams na protina na rekomendado (base sa taong 145 pound). Iyan ay 146 porsyento mas maraming protina na higit pa sa kailangan ng katawan. At alam n’yo ba na ang sobrang gramong ito ng protina ay hindi napupunta sa muscle - nagiging taba o fat ito? Kahit saan pa galing ang iyong calories - maging ito ma’y sa protina, carbs o fat - kailangan lang ng iyong katawan ang sapat na dami ng calories kada araw, at ang sobrang calories na ito’y ay nagiging fat hindi lean tissue. Ito ang kadalasang mali ng ilan, kung saan sinasabi ng siyensya na kung kailangan mag-build up ng muscles, kailangan mo ng maraming glycogen (mula sa carbs) para mapuno nito ang iyong muscles.

Pero sa huli, whether you’re buffing up or slimming down, kailangang bigyang pansin ang total number ng calories na iyong sinusunog kada araw. Ibig sabihin nito, kung gusto mong kumain ng maraming protein, make sure na may adjustments ka sa ibang areas ng iyong pagkain para malaman mo ang pagkakaiba at mabalanse ang iyong calories.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section