SAMPUNG
araw na halos panty at bra, o swimsuit lang ang suot ni Anne Curtis
sa harap ni Aga Muhlach.
Sabi nga ni Anne, pinaghandaan niya ang syuting nila ni Aga ng When
Love Begins sa Boracay. Iba’t ibang kulay ng swimsuit ang
dala niya, na sa totoo lang ay bagay na bagay sa kanya.
Aba, wala ngang isinuot na swimsuit si Anne, na hindi bumagay sa
kanya. At base sa mga larawan na ipinamigay ng Star Cinema
na kung saan ay seksing-seksi si Anne, masasabi mo ngang diyosang-diyosa
ang dating niya, ha!
“Ten days kami roon, at imadyinin niyo
na lang kung ilang beses akong nag-swimsuit. I don’t mind
wearing swimsuit, dahil alam ko naman na kailangan `yon sa movie.
“Nakakatuwa, kasi sa teaser pa lang ng movie namin, tumitili
na ang mga friends ko. Ang seksi-seksi ko raw!” nakangiting
kuwento ni Anne.
Kunsabagay, si Aga man ay puring-puri ang kaseksihan at kagandahan
ni Anne. Sa tuwing lumalabas nga raw ito na naka-swimsuit lang,
halos malaglag ang panga ng mga lalake sa Boracay sa kakatunganga
kay Anne.
Kuwento pa ni Anne, sa simula ng pelikula nila ni Aga ay palaging
makikita na naka-swimsuit siya.
Pero, hindi ba naiilang si Anne na umaarte siya sa harap ni Aga
na halos hubad?
“No naman! Comfortable naman po ako. In the first place, kilala
ko naman si Aga, alam ko na gentleman siya.
“Kahit sinong babae, hindi maiilang na mag-swimsuit sa harap
ni Aga, dahil alam mong hindi ka niya pagsasamantalahan!”
say ni Anne.
Siyanga pala, nung huli naming nakatsikahan sina Aga at Anne, hindi
pa raw nakukunan ang love scene nilang dalawa.
Biro ni Aga kay Anne, pinag-iisipan pa raw ni Anne kung ano ang
mas magandang gawin sa love scene nila.
“Gusto kasi niya na siya ang magdirek sa love scene namin.
Ha! Ha! Ha! Ha!
“Joke. Joke. Joke! Baka magalit si…” patawa-tawang
sambit ni Aga.
|