NATATAWA
na lang si Pia Guanio sa kumakalat na balita na nagiging close na
ang kanyang boyfriend na si Vic Sotto sa leading lady nito sa pelikulang
Dobol Trobol na si Riza Santos.
Sabi ni Pia, hindi na raw niya kailangan pang mag-react dahil kilala
niya ang kanyang boyfriend. Close raw talaga ito sa mga nagiging
leading ladies nito sa trabaho.
“Kailangan pa ba akong mag-react diyan?” nakangiting
sabi pa ni Pia.
“Kilala n’yo naman ako. Never akong nag-react or na-insecure
sa mga ganyan. Alam naman natin that Vic and Riza are in one movie.
May mga ganyan na lalabas talaga. I can’t control that
but definitely hindi ako bothered tungkol diyan.”
Ganyan nga ka-confident si Pia sa relasyon niya kay Bossing Vic.
At hindi na raw niya kailangan pang sitahin si Bossing Vic tungkol
sa tsismis na ‘yan.
“I might ask him pero in a way na parang naiintriga rin ako.
Yung tipong nagfi-fish ako ng information pero wala lang iyon. I
trust my boyfriend a lot and vice versa. I will even support them
sa pagsasama nila sa movie na ‘yon.”
|