DUMARAMI
ang mga artistang gustong maging bahagi ng Dolphy-Vic Sotto movie
kahit na special participation lang ang drama nila. Kahit na nga
walang talent fee, willing silang maka-appear sa biggest comedy
event ng taon.
Ilan nga sa mga artistang willing lumabas ng libre sa Dolph-Vic
movie ay sina Paolo Contis at Ryan Agoncillo. Hinahanapan
ng role ang dalawang aktor nang sa gayon ay maging markado
ang role nila.
Sina Ricky Davao at Dexter Doria nga na kasama sa pelikula, hayun
at honorarium lamang ang tinanggap. At nang malaman ni Gina Alajar
‘yon, aba, nagpapahanap din ng role, maka-join lang sa movie.
Anyway, huwag ngang paniwalaan ang mga tsismis na pinopormahan
ni Vic ang leading lady niyang si Riza Santos. Alam naman ng
lahat na may Pia Guanio na si Bossing, kaya unfair sa dalawa ang
nasusulat at gayundin kay Riza na baka maakusahan pang mang-aagaw
ng boyfriend.
Besides, hindi sanay sa ganoong gimik si Vic. Hindi na kailangang
paingayin pa ang movie dahil lang sa pagli-link sa kanila ni Riza.
Kaya tigilan na ang katsipang pagli-link na ‘yan kay Vic sa
ibang babae, ‘no!
***
Higit na nakakatawa at nakaaaliw ang Manay Po 2! Overload, kesa
sa unang series dahil nga nag-blend na sa kani-kanilang bading na
characters sina Polo Ravales, John Prats at Jiro Manio.
Gaya na lang ni John na out and out cross dresser sa movie.
“Kapag nasa office ako, prim and proper ang drama. Pero pag
nasa labas na, girl na talaga ako! Ha! Ha! Ha!
“Pero mas marami akong punchlines dito. Hindi na rin
ako naasiwa sa character ko. Naging komportable na ako!” say
ni John.
Si Polo naman, natutuwa dahil kilala na niya bilang artista sina
Sid Lucero at Rufa Mae Quinto. Kaya kahit may mga kalaswaan man
silang ginawa sa movie, hindi na siya nahirapang mag-adjust.
Eh, si Jiro naman, hayun at nagawa pang magkaroon ng lip scene sa
lumabas na swimming instructor niya. Pero walang reklamong narinig
sa kanya.
At kung merong mami-miss ang buong cast ng movie, ‘yon ay
ang pagbo-bonding nila dahil nagmistula na silang isang tunay na
pamilya habang ginagawa ang MP2, huh!
***
Ngayong gabi sa Kamandag, mawawala na ang pagiging Kamandag ni Vergel
(Richard Gutierrez) kaya babalik na siya sa normal na tao.
Kaya naman nang lumusob ang mga ambog sa San Isidro, wala siyang
kapangyarihang nailabas.
Pero magtutulung-tulong naman sina Ragona (Sunshine Dizon) at Dinggol
(Benjie Paras) upang labanan ang kampon ni Haring Gulag na nananalasa
ng mga tao.
Hanggang kailan mapapanatili ni Vergel ang pagiging normal na tao?
Papayagan ba niyang magwagi ang kasamaan
laban sa kabutihan?
Subaybayan ang ilang araw na nalalabi sa nalalapit na pagwawakas
ng Kamandag na mula sa panulat ni Carlo J. Caparas.
***
For comments and reactions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com.
|