www.abante-tonite.com
 
 
 

Charice, pasok sa ‘The World’s Smartest Kids’ ni Oprah Winfrey!

 


“THEY may look like ordinary kids, but what they’re getting ready to do on our stage will blow you away. This you have to see to believe!”


Ito ang magandang plugging ng Oprah tungkol sa talented kids na mga guest sa nabanggit na show na mapapanood sa susunod na buwan.


Siguradong aaba­ngan ng mga Pilipino ang special epi­sode ng top-rating show ni Oprah Winfrey dahil kabilang sa mga talented kid ang young Filipina si­nger na si Charice Pempengco.


Kasama ang VTR footage ni Charice sa Oprah teaser ng The World’s Smartest Kids episode.


***


Ilan lamang sina Jackie Manzano, Jackie Forster at Lotlot de Leon sa mga aktres na maagang nagpakasal at nakipaghiwalay rin sa kanilang mga asawa.


Ganito rin ang kaso nina Sharon Cuneta at Pops Fernandez.


Aral para sa mga kabataan ang nangyari sa kanila. Magpakasawa muna sa pagkadalaga, pilitin na matupad ang kanilang mga magagandang pangarap bago sila mag-asawa.


***


Masaya ang pagdiriwang ng mga Thai sa kanilang Songkran Festival o New Year’s Day Celebration na nag-umpisa noong Linggo, April 13.


Literal na naliligo sa kalsada ang mga Thai at pinapahiran nila ng white powder sa mukha ang mga tao na nakakasalubong nila.


Gumagamit sila ng mga water gun toy para basain ang mga tao. Ang iba ay nakasakay sa mga pick-up truck na may laman na mga drum na puno ng tubig.


Sa unang araw ng Songkran, nag-enjoy kami sa panonood ng mga nagsasabuyan ng tubig. Nakisali rin ang mga Thai celebrity na nakadagdag-saya sa celebration.


The following day, Monday, tuloy pa rin ang pambabasa ng tubig ng mga Thai sa mga sasakyan, moto­rista at mga tao na nag­lalakad sa kalsada.


Hindi na kami naaliw sa aming nakita at kung may na-appreciate man kami, ito ay ang paulit-ulit na pagpapatugtog sa isang kanta ni Lea Salonga sa buong Central World Mall.


Iba ang pakiramdam kapag nariri­nig sa ibang bansa ang kanta ng isang Pilipino na sinasabayan ng pag-awit ng Thai people.


Ang Central World ang isa sa pinakamalaki at newly-renovated mall sa Bangkok.

***


Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section