MONDAY, APRIL 15, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ISTAYL
Sore eyes
 

 


 

Ano ang gamot sa sore eyes? Gaano katagal ito nakakahawa? Saan galing ito? -- Name and address withheld on request.


* * *


Isa sa pangkaraniwang sakit sa summer ay sore eyes o pink eye (conjunctivitis) kung tawagin ng doktor.

Ito ang pamamaga ng transparent membrane o conjunctiva na nagtatakip sa puting bahagi ng mata. Namumula ang mata dahil namamaga ang mga small blood vessels sa conjunctiva.


Pangit tingnan ito subalit hindi apektado ang paningin mo. Pero nakakahawa ang pink eye for as long as two weeks kapag nagsimula ito.

Kaya dapat magpatingin sa doktor sa lalong madaling panahon para malaman ang dahilan, mabigyan ng tamang gamot at hindi mahawa ang mga kasama sa bahay.


Bukod sa pamumula ng mata, ang ibang sintomas ng pink eye ay pangangati ng mata, pagluluha at tubig na lumalabas (discharge) sa isa o dalawang mata. Maaaring mahirapan kang magbukas ng mata sa umaga dahil sa discharge at parang may buhangin ito.


Ang pink eye ay galing sa virus, bacteria, allergy, bagay o kemikal na pumasok sa mata. Sa viral conjunctivitis, parang tubig ang discharge. Nagsisimula ito sa isang mata at kumakalat sa kabila.

Walang gamot ito at kusang-loob nawawala pagkalipas ng dalawa o tatlong linggo. Kung herpes ang dahilan nito, pwede kang big­yan ng antiviral medicines.


Sa bacterial conjunctivitis, mas makapal ang discharge at kulay-dilaw na berde ito. Nakakahawa ito at may kasamang sipon o respiratory infection. Kumakalat ito kapag hinawakan ang luha o secretions na lumalabas sa mata. Mas madalas ang bacterial conjunctivitis sa mga bata. Antibiotic eyedrops ang gamot nito.


Ang allergic conjunctivitis ay galing sa allergy. Dalawang mata ang apektado dito. Namumula ang mata dahil sa antibody na inilalabas ng katawan laban sa bagay na nagbibigay ng allergy. Kasama sa antibody ay histamine na siyang nagpapapula ng mata.

Ang mga sintomas ng allergic conjunctivitis ay matinding pagluluha, pangangati, bahin at watery nasal discharge. Kadalasan nagagamot ito sa pamamagitan ng allergy eyedrops, antihistamines, decongestants o steroids.


Kapag may pumasok na bagay o natalsikan ng kemikal ang mata, ito ay nagdudulot ng pink eye. Linisin ang mata ng tubig at mawawala ang pamumula pagkalipas ng isang araw.


Para maiwasan ang pagkalat ng pink eye, huwag hawakan ang mata, hugasan lagi ang kamay at gumamit ng malinis na tuwalya o washcloth.

Palitan ang punda madalas at huwag ipahiram ang mga personal na gamit tulad ng tuwalya, panyo at eye cosmetics sa iba. Huwag lagyan ng ihi ang mata. Walang nagagawa ito sa pink eye at baka lumala pa ang sakit mo.


* * *


May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-9720691. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.




 


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.3000
Bahrain Dinar 109.549
Canadian Dollar 40.7499
Euro 54.1604
Australian Dollar43.3795
HK Dollar 5.32076
Japan Yen 0.419822
Saudi Riyal 11.0148
S’pore Dollar 33.4021
Taiwan Dollar 1.37827
UAE Dirham 11.2451
UK Pound 63.3748
COLUMNIST OF THE DAY
Palusot at diversionary tactic
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section