NAG-DENY ang butihing ina ni Manny “Pacman”
Pacquiao na si Aling Dionisia Pacquiao na gumasta siya ng mahigit
sa P1.M nu’ng mag-shopping siya sa isang department store.
Ang
balita nga ay pinag-shopping ni Aling Dionisia ang kanyang mga kaibigan
at umabot nga sa isang milyon ang binayaran nito. Pero ayon mismo
sa ina ng Pambansang Kamao, hindi daw totoo iyon. Bakit naman daw
siya gagastos ng ganu’ng halaga, eh kuntento na raw siya sa
mga binibigay sa kanya ng anak niyang si Manny.
Nabalita rin na bumili raw si Aling Dionisia ng mamahaling signature
panty na ang halaga ay higit sa isang libong piso. Pinabulaanan
din ito ni Aling Dionisia dahil ang binili raw niyang higit sa isang
libo ay skinny jeans at hindi raw panty.
Natatawa nga si Aling Dionisia dahil pati raw siya ay tina-target
ng mga intrigero’t intrigera. Simple pa rin daw siya mamuhay
at kung ano lang daw ang ibigay o iregalo ng kanyang anak na si
Manny ay tinatanggap niya.
“Siyempre, anak ko si Manny at ako ang ina niya. Kung regaluhan
ako ng mahal, okey lang. Sinasabi ko naman sa anak ko na hindi ko
kailangan ng mga mamahaling regalo. Tama na ‘yung nakikita
ko siyang ligtas sa bawat laban niya,” sabi ni Aling Dionisia.
Madalas nga raw siyang regaluhan ni Pacman ng alahas. Isa nga raw
sa paboritong niregalo ni Pacman sa kanya ay isang diamond-studded
na Cartier watch na obviously ay milyon ang halaga. Hindi nga raw
ito madalas na isuot ni Aling Dionisia at tuwing may special occasion
lang sa bahay nila niya ito sinusuot. Takot daw siyang baka mawala
niya ito.
|