SATURDAY, APRIL 06, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
ENTERTAINMENT
Albie, inayawan na ng Star Magic!
Aminado ring dyslexic!
 

Export Management ang course ni Albie Casino sa College of St. Benilde dahil may export business ang kanyang ama.

Kahit full-time student siya, ipagpapatuloy ni Albie ang kanyang showbiz career dahil wala itong conflict sa pag-aaral niya.


Ang GRowl Entertainment ang namamahala ngayon sa career ni Albie dahil hindi na ni-renew ng Star Magic ang kanyang kontrata.

Nagpapasalamat si Albie sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya nina Girlie Rodis, Roselle Monteverde at Leo Domingez ng GRowL.


At the same time, wala raw siyang nararamdaman na tampo sa Star Magic dahil sa hindi pag-renew sa kontrata niya.


***


Turning 20-years old si Albie sa May 14. Nagsimula ang kanyang showbiz career noong 16-years old pa lamang siya. Aminado ang batang aktor na maraming aral sa buhay ang kanyang natutunan dahil sa mga pinagdaanan niya.


“Natuto ako na maging stronger. Naging reserved ako sa sarili ko. Matagal ako bago maka-warm up sa mga tao. Nag-mature ako. Mas pinag-iisipan ko ang mga sasabihin ko ngayon. Kung walang kuwenta ang sasabihin ko, hindi ko na lang sasabihin. More quiet ako ngayon.”


Si Albie ang isa sa mga kapareha ni Eula Caballero sa Cassandra: Warrior Angel ng TV5. Looking forward si Albie sa unang araw ng taping nila ni Eula dahil excited siya na makilala nang husto ang young actress na nakatrabaho niya sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll 14.


Naningkit ang mga mata at todo ang ngiti ni Albie nang tanungin ito kung posible na magustuhan niya si Eula.


***


Seven years old si Albie nang matuklasan ng kanyang mga magulang na dyslexic siya. Hirap sa pagbabasa at spelling ang mga tao na may dyslexia.


Sa kaso ni Albie, may coping mechanisms siya kaya na-manage niya ang kanyang disability.


“Hindi gumagaling ang Dyslexia. Ang nangyayari, natuturuan na lang kami na mag-cope with Dyslexia pero ngayon, hindi na ako naba-bother. Nahihirapan lang ako na mag-spell minsan, both oral and written, lalo na sa oral.


“Ngayon, okey naman ako. ‘Yung mahihirap lang na... Kapag mga bagong words sa akin, kapag ngayon ko lang natutunan, hindi ko siya ma-spell kaagad. Kailangan alam ko na ‘yung word, kailangan, familiar na ako sa word,” ang paliwanag ni Albie tungkol sa disability niya.


Bukod sa words, hirap din si Albie sa spelling ng mga pangalan ng mga tao. Nahihirapan siya na tandaan ang spelling ng mga pangalan kaya sinubukan namin ang kanyang kakayahan.


Tinanong namin kay Albie kung alam niya na walang letter K sa pangalan na Jaclyn at “Oo” ang kanyang mabilis na sagot.


“Oo, alam ko ‘yon! Alam ko, may “Q” at “U” ‘yon (as in Jacqueline)”. Pagkatapos naming marinig ang sinabi ni Albie, kumbinsido kami na dyslexic nga siya.


***


Maaga na na-detect ang Dyslexia ni Albie at hereditary ang kanyang disability dahil dyslexic din ang tatay niya. Hindi naman nahirapan si Albie noong bata pa ito dahil binigyan siya ng mga libro na babasahin at makakatulong sa kanyang kapansanan.


“Pinabasa lang ako ng maraming books para maging pamilyar ako sa mas maraming words. Ang daddy ko, may dyslexia na nakuha niya sa kanyang mommy.”


***


Hindi natuloy noong Black Saturday ang showing sa mga sinehan ng Bangungot dahil may mga inayos na conflict sa playdate ang producer ng horror movie na pinagbibidahan nina Kiray, Empress at Joross Gamboa.


Blessing in disguise ang nangyari dahil malalaking pelikula ang nagbukas sa mga sinehan noong March 30, ang It Takes A Man and A Woman ng Star Cinema at ang Hollywood movie na G.I. Joe : Retaliation na parehong pinipilahan sa box office.


Inilipat sa April 17 ang showing ng Bangungot at ‘yon din ang playdate ng dalawang Tagalog movie, ang Bayang Magiliw ng Teamwork Film Productions at Coming Soon ng Fearless Productions.


Tungkol sa controversial Reproductive Health Bill ang kuwento ng Bayang Magiliw.Tampok sa pelikula sina Wendell Ramos, G Tongi, Jackie Lou Blanco, Arnold Reyes at Althea Vega.




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.1699
Bahrain Dinar 109.196
Canadian Dollar 40.6212
Euro 53.1603
Australian Dollar42.9308
HK Dollar 5.30318
Japan Yen 0.427788
Saudi Riyal 10.9776
S’pore Dollar 33.2201
Taiwan Dollar 1.37531
UAE Dirham 11.2091
UK Pound 62.6670
COLUMNIST OF THE DAY
Iba’t ibang pangako
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section