FRIDAY, APRIL 05, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
TOP STORIES
Bagong kotse ‘di ligtas sa coding
 (Eralyn Corvera-Prado)
 

Hindi na makakaligtas mula sa number coding ang mga wala pang car plates partikular ang mga nagmamay-ari ng bagong biling sasakyan na madalas natatagalan pa bago magkaroon ng plaka.


Ito ang nilinaw kahapon ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Francis Tolentino matapos ang naging pagpupulong nila ni Land Transportation Office (LTO) head Virginia Torres.


Ayon kay Tolentino, ito’y bilang bahagi pa rin ng mga hakbang upang maibsan ang problema ng trapiko sa Metro Manila kaya sinang-ayunan umano ng LTO na hindi na bibigyan ng exemption mula sa number coding ang mga wala pang car plates tulad ng mga brand new car owner.


Sa halip, gagamitin na umano ang hawak nitong conduction sticker ng kanilang sasakyan bilang basehan ng number coding.


Kung anuman umano ang huling numerong nakasulat sa conduction sticker ang siyang magi­ging basehan at susundin sa ipinatutupad na number coding.


Kailangan umanong ilagay ito sa lalagyan rin ng plaka para makikita.


Magugunitang sa ilalim ng pinaiiral na number coding scheme, bawal sa lansangan ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 sa araw ng Lunes; 3 at 4 sa araw ng Martes; 5 at 6 sa Miyerkules; 7 at 8 sa Huwebes; at 9 at 0 sa Biyernes.


Ayon kay Tolentino, marami ang nai-exempt sa number coding dahil wala pang nakukuhang plaka at nakakadagdag umano ito sa dami ng mga sasak­yan sa lansangan.





Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.0600
Bahrain Dinar 108.904
Canadian Dollar 40.4427
Euro 52.6534
Australian Dollar42.8088
HK Dollar 5.28954
Japan Yen 0.431019
Saudi Riyal 10.9490
S’pore Dollar 33.1101
Taiwan Dollar 1.37329
UAE Dirham 11.1786
UK Pound 61.9281
COLUMNIST OF THE DAY
Magpapaloko na naman ba tayo?
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section