Immigration officers nagprotesta

By

Sinimulan kahapon ang pagsuot ng pulang armband ng lahat ng Immigration Officer (IO) sa lahat ng international airport sa bansa, partikular na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para iparating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kalunos-lunos na sitwasyon at kahirapan na nararanasan nila ngayon.

Base sa manipestong nilagdaan nina Atty. Gregorio G. Sadiasa, pangulo ng Buklod ng mga Kawani ng CID at ER German T. Robin, pangulo ng Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP), ang sama-sama nilang pagsuot ng pulang armbands ay hindi protesta, bagkus ito ay siyang pamamaraan upang iparating ang kanilang hinaing sa Pangulo ng bansa.

Ayon sa grupo, sa kasalukuyan ay wala pa din ang mga pinangakong karagdagang sahod at benepisyo para sa mga ordinaryong empleyado ng Bureau of Immigration (BI).

SHARE