Hindi natin kaya ang China — PDU30

By , ,
1357

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na walang kakayahan ang gobyerno na awatin ang konstruksyon ng China sa pinag-aawayang teritoryo sa Scarborough Shoal.

“Hindi nga natin mapigilan kasi hindi natin kaya ang China. Hindi nga mapigilan ng Amerikano. In the first place, pag umpisa pa lang niyan, hindi na pumunta ang Amerikano, natakot na,” paliwanag ng Pangulo nang matanong sa isyu sa media interview sa Myanmar.

Sinabi pa ng Pangulo na ang US nga ay kumpleto, may mga armas, baril, eroplano at iba pa pero ngayon ay tayo ang itinutulak nila para makipag-away.

“It would be a massacre. First hour pa lang ubos na ‘yung, naku. We are not in a position to declare war,” sabi pa ng Pangulo.

Gayunman sinabi ng Pangulo sa China na nag-iwan ito ng ­mensahe na sa ilalim ng kanyang ­pamumuno ay darating ang ­panahon na kukumprontahin nya ito hinggil sa ­arbitral ruling at sa sanda­ling magsimula na ang mga itong makialam sa minerals at iba pang yaman na nasa pinag-aagawang teritoryo.

Alejano, mauna ka!

Samantala, hinamon nito si Magdalo Rep. Gary Alejano na mauna at pangunahan ang pakikipaglaban sa China.

“I would be glad to send him as the first batch of de­legation of Filipinos who’d want to take the Spratly Islands and all of those they occupied now,” tugon ni Pangulong Duterte kay Alejano na nanguna sa pagsasampa ng impeachment at ikinukunsidera ang paghahain ng supplemental complaint ang isyu sa Benham Rise.

“Sige. Siya ang ­mauna. Maraming galit na nangyari sa ganon. Ako, it would be a slaughter for the Filipinos to do that. ‘Yung kanyang tapang-­tapangan, huwag mu nang… do not compare me with you. You are all cowards,” tugon pa ng Pangulo.

Bakit ka pumayag?

Kaugnay nito, hinimok ni 1-Edukasyon Rep. Salvador Belaro si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang tunay na dahilan kung bakit pina­yagan n’yang ­bumisita ang mga survey ships ng China sa Benham Rise.

Ayon kay Belaro mainam na maging transpa­rent ang Pangulong Duterte at linawin ang nauna nitong pahayag upang hindi magdulot ng kalituhan.


May magagawa pa

Naniniwala si Senate President ­Pro-Tempore Ralph Recto na ­marami pang magagawa ang gobyerno para ­mapigil ang China sa pagtatayo ng istraktura sa Panatag Shoal.


SHARE