HEALTH FRONTIERS: Puno ng hangin

By
160
HEALTH FRONTIERS: George Nava-True
//translate language
//end translate language

Tuwing gigising ako ay puno ng hangin ang tiyan ko. Mahaba ang utot ko. Ang edad ko ay 71-anyos. Bakit kaya? — Miguel Valeros.

***

Ang intestinal gas ay hindi nawawala mula sa tiyan hanggang sa rectum. Napapansin lamang ito kapag madami o nagdudulot ng sakit.

Kapag ma­daming gas sa tiyan o upper intestine, napapadighay ka. Kapag nasa lower intestine ito, umuutot ka.

Normal ito at hindi ka dapat mag-alala. Pwede rin mangyari ito kapag lumulunok ka ng hangin habang kumakain, umiinom o gumagamit ng chewing gum. Ang isa pang dahilan ay hindi ka natunawan.

May mga pagkain na nagdudulot ng gas tulad ng mani, dairy products, fructose at sorbitol na ­makikita sa prutas at sweeteners.

Pero kapag sobra ang pagdighay at pag-utot, ito’y sintomas ng digestive disorder tulad ng food allergy, irritable bowel syndrome, peptic ulcer o gastroesophageal reflux disease (GERD).

Pumunta sa doktor kung may ibang sintomas tulad ng pagsusuka, diarrhea, constipation, weight loss at dugo sa dumi.

***

May stretch marks ako sa balikat, baywang at malapit sa kilikili. Paano matatanggal ito? — Gina.


***

Walang gamot sa stretch marks o striae kahit ubusin mo ang lahat ng cream o lotion na binebenta sa botika.

Makikita ito sa buntis at lumilitaw sa tiyan, suso, puwit at hita. Pero unting-unti ito nawawala sa katagalan at hindi na kailangan lagyan ng kung ano pa.

Sa mga gustong magpagamot, maaaring gamitan ito ng tretinoin cream para gumanda ang hitsura nito.

Nakakatulong ito sa mga bagong stretch marks na kulay pula o rosas. Hindi ito pwede sa buntis.

Pwede rin mag-laser therapy depende sa kulay ng balat at lokasyon ng stretch marks.

Sa mga lumang stretch marks, maganda ang microdermabrasion kung saan tinatanggal ang topmost layer ng balat para hindi ito mapansin.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sa georgenavatrue@­yahoo.com o mag-text sa 0935-972-0691. ­Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay ­National Press Club at Philippine Dental ­Association awardee at author ng 3 health books.


SHARE