HEALTH FRONTIERS: Mga bagay na nagdudulot ng pimples

By
391

Madami akong taghiyawat at malangis ang mukha ko. Paano maiwasan ito? — Name ­withheld.

***

Ang taghiyawat ay madalas nakikita sa mga teenagers pero kahit sino ay pwedeng magkaroon nito. May mga babaeng nagkakaroon nito dahil sa hormonal changes na kaugnay ng pagbubuntis, sa menstrual cycle o ang paggamit o paghinto ng birth control pills.

Tatlong bagay ang may kinalaman sa pagbuo ng taghiyawat — ang labis na produksyon ng langis o sebum, ang irregular shedding ng dead skin cells na nag-iiritate ng hair follicles ng balat at ang pagdami ng bacteria.

Ang bawat hair ­follicle ay konektado sa sebaceous glands na ­gumagawa ng langis. Ang langis ay nagsisilbing lubricant sa buhok at balat. Lumalabas ito sa hair follicles o pores. Kapag sobra ito, binabara nito at ng dead skin cells ang hair follicle. Ito ang simula ng whiteheads o blackheads.

Ang taghiyawat ay baradong hair follicles na namamaga o may impeksiyon. Hindi alam ang dahilan ng labis na produksyon ng langis pero may kinalaman dito ang hormones, bacteria at ang paggamit ng ibang gamot. Walang kinalaman ang alikabok, greasy foods at tsokolate sa acne. Pinag-aaralan pa kung may epekto ang high-starch foods tulad ng tinapay at chips sa taghiyawat.

Para maiwasan ang acne, huwag hawakan o tirisin ito. Kinakalat mo lang ang impeksiyon at magkakapeklat ka pa. Hugasan ang mukha dalawang beses sa isang araw para matanggal ang langis at dead skin cells. Gumamit ng gentle cleanser o ordinaryong sabon. Iwasan ang sobrang paghugas; masama din ito! Upang mabawasan ang excess oil, gumamit ng OTC acne cream o gel na may benzoyl peroxide o salicylic acid.

Huwag gumamit ng makapal na foundation o makeup. Piliin ang ­powder cosmetics sa halip ng cream products. Tanggalin ang makeup bago matulog para hindi magbara ang hair ­follicles. Itapon ang lumang makeup at laging linisin ng ­sabon ang makeup brush o ­applicator.

Gumamit ng maluwag na damit para hindi ka pawisan at magkaroon ng acne. Iwasan ng masikip na backpack o helmet. Maligo pagkatapos mag-exercise o strenuous work.

***


May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com, mag-text sa 09359720691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers ­Online. Sasagutin niya ang mga tanong niyo dito. Si George ay ­beteranong health columnist at ­author ng 3 health books.


SHARE