HEALTH FRONTIERS: Hindi dumating

By
320

Bakit kaya dalawang buwan na delayed ‘yung mens ko?

Nagpa-pregnancy test na ako pero negative naman. Possible kaya na mali ang pregnancy test ko? — Name withheld.

***

Magkaiba ang menstrual cycle ng bawat babae. Ang regla ay pwedeng magsimula kada 21 o 35 araw at maaring tumagal ng dalawa hanggang pitong araw.

Sa mga unang taon ng simula ng regla, natural ang mahabang cycle. Habang ­tumatanda ang babae, umiikli ang menstrual cycle at ­nagiging regular ito.

Tinatawag na ­“regular” ang regla kapag pareho ang haba nito kada buwan. Pero natural na nag-iiba ito pa minsan minsan. Your period may be light or heavy, masakit o hindi, matagal o maikli pero normal pa rin ito.

Kapag irregular ang mens, maraming dahilan ito. Kapag tumigil ang regla, natural lang na iisipin mo na buntis ka, lalo na kung sexually active ka. Madali itong makita sa pregnancy test.

Subalit ang mga home pregnancy tests na nabibili sa mga botika ay maa­ring magkamali depende sa paggamit mo.

A false positive (na nagsasabing buntis ka kahit hindi) ay pwedeng mangyari kung nagpa-test ka after taking a fertility drug na may human chorionic gonadotropin, meron kang ­ovarian cyst o ectopic pregnancy.

A false negative (na nagsasabing hindi ka buntis kahit buntis ka) ay possible kapag mali ang oras ng pagkuha ng test o diluted ang ihi mo.


Para sigurado, gawin ito sa umaga o sa unang linggo after you missed your period. Follow the package instructions to avoid false readings.

­Ulitin ito pagkalipas ang ilang araw. Better still, magpa-blood test or have a pelvic exam. This will confirm whether you are pregnant or not.

Kung hindi ka talaga buntis, ang delayed o missed period ay maaring resulta ng eating disorders, sobrang baba ng timbang o sobrang pag-e-exercise.

Ang isa pang dahilan ng missed periods ay polycystic ovary syndrome – isang hormonal disorder na dahilan ng pagtubo ng mga maliliit na cysts sa obaryo.

Pwede rin ito mangyari sa mga babaeng may premature ovarian failure. Missed periods can also be caused by endometriosis where tissue that is inside the uterus grows outside. Isa sa mga sintomas nito ay severe menstrual pain.

Another possible cause of irregular ­periods is pelvic inflammatory disease – impeksyon ng reproductive organs. ­Samantala, ang uterine fibroids – non-cancerous growths sa matris, ay nagdudulot ng heavy menstrual periods at pagdurugo between periods.

Ang pag-inom ng birth control pills ay maaring makatulong para maging regular ang regla mo. Pero huwag gawin ito kung inaakala mong buntis ka. Kumunsulta sa doctor para ma-examine ka at malaman ang tunay na dahilan ng problema mo.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo?

Mag e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.


SHARE