HEALTH FRONTIERS: Cyst

By
86

Totoo ba na nagpapa­laki ng cyst ang malamig na tubig o ang pagkain ng malamig na pagkain? — Name withheld.

***

Walang ­kinalaman ang pag-inom ng ma­lamig na tubig o ang pagkain ng malamig na pagkain sa paglaki ng cyst. Ang side effect lamang nito ay lalamig ang paki­ramdam mo.

***

Suki ang mister ko ng Abante at palagi naming binabasa ang column mo. Na-stroke siya last month at palaging sumisipa ang paa niya sa kasarapan ng tulog niya. Ano ang dahilan nito? — Name withheld.

***

Malamang meron s­iyang restless legs syndrome (RLS) kung saan hindi komportable ang paa dahil matagal siyang nakaupo o naka­higa. Hindi mapakali ang paa at pansamantalang nawawala ito kapag nag­lakad o kumilos ka.

Pwede itong magsi­mula sa kahit anong edad at lumalala ito habang tumatanda ka. Isa sa mga sintomas nito ay nighttime leg twitching at maaa­ring may kasamang perio­dic limb movement disorder (PLMD). Sa nasa­bing sakit, gumagalaw ang paa habang natutulog at maaaring paulit-ulit ang pagsipa ng hindi mo alam.

Kung grabe ang sakit, maaaring mangyari ito habang gising. Ang PLMD ay makikita in 4 out of 5 people na ­meron RLS.

Hindi alam ang dahilan nito. Sabi ng iba, dala raw ito ng ­imbalance ng dopamine, isang kemikal sa utak na may kinalaman sa paggalaw ng kalamnan. Pwedeng manahin ito o dala ng ibang sakit tulad ng iron-deficiency anemia o peri­pheral neuropathy.


Ang gamot para sa RLS ay pareho sa Parkinson’s disease. Kasama dito ang ropinirole at pramipexole. Maaaring bigyan siya ng doktor ng kombinasyon ng carbidopa at levodopa. Ang mga side effects nito ay pagkahilo at pagkapagod.

Pwede rin siya bigyan ng gamot para sa epi­lepsy. Halimbawa nito ay gabapentin at gabapentin enacarbil. Other alter­natives are muscle rela­xants and sleep medications tulad ng benzodia­zepines para maka­tulog siya ng mahim­bing. Pumunta sa doktor para sa tamang gamot. Iwasan ang caffeine at alak, mag-exercise, huwag magpa­kapagod at tigilan ang paninigarilyo.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag- e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-972-0691.

Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee at author ng 3 health books.


SHARE