Habal-habal sumalpok sa dump truck, 6 nadale

By

Patay ang dalawa habang apat ang malubhang nasugatan nang araruhin ng motorsiklo ang kasunod nitong dump truck sa Pikit, Cotabato kamakalawa.

Nagtamo ng matin­ding bagok sa ulo dahilan ng agarang kamatayan ang mga biktimang sina Jimboy Darrio Serrieza at Mary Jane Darrio Serrieza, kapwa residente ng Brgy. Sibulan, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Sugatan naman ang apat na kasamahan ng mga nasawi na hindi naman kinilala pa ng pulis­ya. Ang mga ito ay pa­wang nagtamo ng mga sugat, bugbog, at bali ng buto sa katawan.

Batay sa report ni Pikit Cotabato chief of police, Chief Insp. Donald Cabi­gas, lulan ang mga biktima ng isang habal-habal na motorsiklo galing sa kasal ng kanilang kamag-anak sa Parang, Maguindanao at pauwi na sana sa Sta. Cruz, Davo del Sur nang bumangga sa sinusundang dump truck na pagmamay-ari ng LGU-Pikit.

SHARE