Graft vs Zambo ex-mayor

By
27

Kinatigan ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft laban sa dating alkalde at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Sibuco, Zamboanga del Norte matapos itong magpalabas ng iligal na resolus­yon na nagbibigay kapangyarihan sa alkalde na siya lamang ang may awtorisasyon na pumirma at magpalabas ng tseke para sa munisipalidad.

Kabilang sa kinasuhan ay sina dating Sibuco Mayor Norbideiri Edding, mga SB members na sina Norbryan Edding, Malik Tutuan, Nas­ser Mahamod, Absar Ca­ril, Jaapal Dodong, Abbas Samson at Misal Hawari.

Nag-ugat ang kaso noong 2010 nang mag-akda ng isang resolus­yon ang Board Member na si Edding, kapatid ng alkalde na nagbibigay kapangyarihan dito na siyang lumagda sa mga tseke, nag-apruba ng disbursement vouchers at payrolls.

Giniit ng Ombudsman na malinaw na paglabag sa batas ang ginawa ng mga respondents.


SHARE