Farewell speech ni Obama

By
103

Napuno ng sigawan at palakpakan ang huling talumpati ni outgoing US President Barack Obama kasabay ng pagbabalik-tanaw sa kanyang iiwang ­legacy sa White House sa loob ng walong taong panunungkulan bilang commader-in-chief ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.

Sa ulat, sa kanyang farewell speech, hinimok ni Obama na manatiling positibo ang mga kababayan nito sa magiging hinaharap ng US habang nalalapit ang pormal na pag-upo ni President-elect Donald Trump.

Ginanap ang huling talumpati ng outgoing 44th president ng US sa McCormick Place Convention Centre sa kanyang hometown sa Chicago.

Dito ay nagkaroon ng reunion ang mga Obama ­loyalist, mga dati at kasalukuyang staff sa White House na naging katuwang ng outgoing president sa loob ng kanyang dalawang termino kung saan pina­lakpakan ito.

Gaya ng inaasahan, ibinida ni Obama ang kanyang mga top policy achievements magmula sa isyu ng healthcare, rule of law, climate change, laban kontra sa terorismo at regulasyon sa nuclear deal ng Iran.

Habang ipinagmalaki nito na sa kanyang admi­nistrasyon napatay ang kilalang lider ng terorista na si Osama Bin Laden.

Sa kanyang talumpati, hinimok din nito ang mga supporters na patuloy na manindigan at ipaglaban ang isyu sa kalikasan, gay rights at economic equality.

Nabatid na 9-araw bago ang inagurasyon ni Trump sa Enero 20, tiniyak ni Obama ang pagkakaroon ng mapayapang pagsasalin ng kapangyarihan gaya raw ng binigay sa kanya ni dating Republican President George W. Bush kay Trump.

Emosyunal din si Obama sa pagbibigay tribute sa first family partikular na kay First Lady Michelle Obama at sa kanilang mga anak ukol sa lahat ng sakripisyo na ginawa nito.


SHARE