Eye-Ball: Ibang klase ang Gilas!

By

Si Edgar Mangahas at isa sa players niyang si Chris Tolomia.

Si Edgar Mangahas ay kilala sa mundo ng showbiz.

Marami siyang kila­lang artista at nagpo-produce din siya ng pelikula kasama ang mga partners niya.

Pero mukhang nakasawaan na ni Edgar ang showbiz kaya nag-shift na siya sa sports.

Si Edgar ngayon ay manager-agent na ng maraming basketball players sa PBA at sa collegiate ranks.

Kailan lang nag-umpisa si Edgar sa pagma-manage pero kabilang na sa mga nakapirma sa kanya ang mga tulad nina Mac Belo, Roger Pogoy, Jonathan Grey, at Gelo Alolino.

Sa college ranks ay marami na rin siyang hawak na basketball players.

“It is more of pagtulong sa players. Rewar­ding ang experience kapag may nakikita kang mga players na tinutulungan mo at nagtatagumpay sila sa basketball. Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa mo,” sabi ni Edgar.

***

Congrats sa Gilas Pilipinas team.

Champion sila as expected.


Kahit na tambakan ang mga laro, sugod pa rin ang mga Pinoy sa Big Dome para suportahan ang Gilas.

Hindi naman sila napa­hiya dahil gabi gabi, ibang klaseng brand of basketball ang inihatid ng Gilas team.

***

Nagpakitang gilas si Matthew Wright sa Gilas.

Dahil sa kanyang tapang ng loob, pinatunayan lang ni Matthew na isa siya sa itinuturing na future ng PBA.

SHARE