Ex-congressman inasunto sa pork scam

By
419

Kinasuhan ng siyam na bilang ng kasong graft at malversation ng Office of the Ombudsman si da­ting La Union Rep. Thomas Dumpit dahil sa ilegal na paggamit ng P43.65M pork barrel funds nito.

Maliban kay Dumpit sabit din sa kaso ang political assistant nito na si Elsie Walican at mahigit 20 pang indibidwal na naging kasabwat sa pagwaldas ng pondo.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman lumabas na inendorso ni Dumpit sa National Livelihood Development Corp. at Kabuhayan at Kalusugang Alay sa Masa Foundation Inc. ang isang livelihood programs na tutustusan ng kanyang PDAF funds.

Ngunit nang beripikakin ay lumitaw na non-existent ang mga livelihood projects na pinondohan ng kanyang pork barrel funds subalit sinertipikahan ito ni Dumpit na 100% completed.

Nasa 40,000 na piyansa ang itinakda ng Ombudsman sa bawat kaso ng malversation at 30,000 naman sa bawat bilang ng kasong graft.


SHARE