Advertisement

THE SOURCE: Lyca ng The Voice Kids, iniyakan ng publiko!

By Jojo Gabinete    |   Posted on 1 year ago

“You did it again Lyca!?Congrats! Two thumbs up for you little girl!” ang reaksyon ni Jolo sa pagpasok ni Lyca sa semi-finals ng The Voice Kids.


Hindi lamang ang singing voice ni Lyca ang napansin ng publiko dahil tumatak din sa kanilang isip ang mahirap na pamumuhay ng pamil­ya niya.


Mangingisda sa Cavite ang tatay ni Lyca at nangangalakal ang kanyang ina. Tumutulong si Lyca at ang mga kapatid niya sa pamumulot ng basura ng kanilang ina.


Ang?kuwento ng buhay ni Lyca ang gustung-gusto ng publiko. This early, ikinukumpara na siya kay Nora Aunor na pagtitinda ng tubig sa train station ang ikinabubuhay bago sumali sa isang singing contest.

May mga napaluha sa soulful rendition ni Lyca sa Tagalog version ng Dance with My Father sa Sunday night episode ng The Voice Kids.


Tagalog ang mga kinakanta ni Lyca dahil hindi siya masyadong marunong kumant­a ng English songs. Si Sara­h ang pinili ni Lyca na mentor dahil bukod sa idolo niya ang singer/actress, gusto niya na turuan siya ni Sarah sa pagsasalita ng Ingles.


Street smart si Lyca at hindi umubra sa kanya ang wit ng The Voice Kids co-host na si Alex Gonzaga.


Hindi malaman ni Alex ang isasagot nang punahin ni Lyca ang kanyang suot na damit.


“Bakit ka nakapantulog?” ang tanong ni Lyca sa nagulat na si Alex na tila fashionistang-fashionista pa naman ang pakiramdam sa kanyang outfit.

For more updates and latest news, follow us & subscribe!
DISCLAIMER: Comments posted here do not represent or reflect the views of Abante Online. While we respect the opinions of our readers to exercise their right to free expression, we reserve the right to moderate comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with Abante editorial standards. Abante Online is not liable for any false information posted by readers in the comment section.
Advertisement
Back to Top

Most Liked

Advertisement
Advertisement