Menu

Team Lea sa The Voice Kids, magbabakbakan na!

TEAM LEA SALONGA TEAM LEA SALONGA

Unang sasabak ang team ng coach na si Lea Salonga sa mas matinding bakbakan sa kantahan ng top-rating at Twitter-trending na The Voice Kids sa pag-arangkada ng Battle Rounds ngayong weekend (Hunyo 28 at 29).

Pumili na si coach Lea ng tig-tatlong artists na maglalaban-laban pati na ang kantang paglalaba­nan nila. Ang artist na pipiliin niyang magwawagi sa bawat 3-way battle ang siyang pasok sa susunod na level ng kumpetisyon – ang Sing-Offs.


Sasalang sa battle stage ang magkakagrupong sina Ton-Ton vs Genmarie vs Echo sa kantang May Bukas Pa; Mariane vs Karla vs Darlene (Fireworks); Kobe vs Lorenzo vs Shanne (Hey Soul Sister); Giedie vs Angel vs Grace (When You Believe); Eufritz vs Coco vs Camille (Love Song); at Jimboy vs Angelique vs Rein (Anak ng Pasig).

Pagkatapos ng Battles ng Team Lea, mapapanood na rin ang pagtutunggali ng top 6 artists nito nga­yong Linggo sa Sing-Offs, kung saan makikilala na ang Final 2 artists ng nasabing team.


Kaninong boses ang mangingibabaw? Sinu-sinong young artists ang makakatuntong sa Sing-Offs?


Huwag palampasin ang The Voice Kids tuwing Sabado, 6:45 PM at Linggo, 7:30 PM sa Yes Weekend ng ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like angwww.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram. Gamitin ang hashtag na #TeamLeaBattles sa pagpo-post ng mga komento online habang nanonood ng episode.

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.

back to top