ENRIQUE, NEVER ENDING ANG PAGPAPAKILIG KAY LIZA!

By

Sobrang busy ni Enrique Gil ngayong pagpasok ng January 2017. Kasi nga, birthday ni Liza Soberano, kaya kung anu-anong eksena ang ginagawa niya, para mapaligaya lang ang kanyang mahal.

Bukod sa mamahaling ‘bag’ na bigay niya kay Liza, bonggang mensahe sa social media, hindi rin siya nawawala sa bawat birthday party o sorpresa para kay Liza, ha!

Tulad na lang last Tuesday night sa ginanap na #LizaAt19AMagicalCelebration, present pa rin si Enrique, kahit na busy rin siya sa presscon para sa isang produkto na iniendorso niya, at iba pang ganap sa career niya.

Pero bago nga `yon, nag-message na muna siya para kay Liza na…

“@enriquegil17: Before this Japanese cutie ends her b-day I want to be the last to say happy birthday to my ❤ another year has gone by and God you are shining brighter each day stay the same and stay kind at ❤ as u always are I love you and happy birthday rock this year!” sey ni Enrique.

Need we say more pa ba? Eh, sa birthday surprise rin kay Liza, matutunog na ‘I love you’ at ang stay beautiful inside and out ang hiling niya sa kanyang lady love.

Ang suwerte nga ni Liza, na parang walang katapusan ang ginawa ni Enrique na pagpapakilig sa kanya. Na kahit sinasabi nga ng marami na sila na, parang araw-araw pa rin kung ligawan ni Enrique si Liza, ha!

Anyway, present sa birthday surprise kay Liza sina Julia Barretto, Michelle Vito at marami pang iba.

Heto pa ang ibang mensahe ng followers para kay Liza:

“@mimsy.moon: OMG!!! YOU’RE A POTTERHEAD TOO!!! I’m in Slytherin as well.”


“@arthurrapadasPotterhead rin pala si Ate Liza!”

“@jangstreet: Gorgeous spell!”

“@itsdanicafernandez: Ang ganda mo po!”

“@jamietf11: Happy birthday Hopie. I love you. @lizasoberano!”

SHARE