DU30 sa NPA: Kung ‘di kayo titigil sa pagpatay, walang ceasefire

By

Hangga’t may pinapatay na sundalo at sibilyan ang New People’s Army (NPA), hindi makikipagkasundo sa isang ceasefire ang gobyerno sa rebeldeng komunista, ayon kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

“If you don’t stop killing people, hindi rin ako,” diin ni Pangulong Duterte sa isang talumpati sa Davao City kahapon.

“Unless I get that guarantee na walang mamatay na sundalo o barangay captain,” paliwanag pa niya.

Noong Pebrero ay pinutol ni Pangulong Duterte ang ceasefire at peace talks sa CPP/NPA/NDF matapos mapatay ng NPA ang tatlong sundalo sa Bukidnon.

Subalit makalipas lang ang isang buwan, muling nagpatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng komunista.

Sinabi pa ng Pangulo na hangga’t may pinapatay ang NPA, hindi niya ipag-uutos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagti­gil ng operasyon laban sa rebeldeng komunista.

SHARE