Doble bukol

By
362

Doble bukol ang inabot ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo, matapos silang harangin ng mga traffic enforcers sa Pala-Pala Junction, Brgy. Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite, pasado alas-sais kamakalawa ng gabi.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Loiue Encarnacion, driver ng motorsiklo, at angkas nitong si Michael de Sagun, kapwa 30-anyos at mga residente ng Taal at San Juan, Batangas, ayon sa pagkakasunod.

Napag-alaman na pinahinto ang mga suspek na sakay ng kulay itim na Suzuki Mola na walang plaka, dahil walang suot na helmet ang mga ito, wala ring drivers license ang drayber at wala rin naiprisintang rehistro ng sasakyan.

Habang inihahanda ang tiket dahil sa traffic violation, nalaglag ang powerbank ng back ride na si Michael, nabiyak ang gadget at tumambad ang 2 plastic sachet ng hinihinalang shabu

Kinapkapan rin ang drayber at nakuha rin sa posesyon nito ang dalawa pang plastic sachet na naglalaman ng droga.


SHARE