Disobedience case pinababasura ni De Lima

By

Humirit ang kampo ni Senadora Leila De Lima sa korte na ibasura ang kaso nitong disobedience to summons ng House Commitee on Justice na nag iimbestiga noon sa drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Kaugnay ito ng umanoy pag-utos ni De Lima sa dati nitong driver/bodyguard na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pagdinig ng Kamara de Representante.

Nagtungo kanina sa Quezon City Metropolitan Trial Court si Delima para isumite ang kanyang motion for reconsideration kung saan iginiit nito na bago pa man lumabas ang subpoena ng Kamara, matagal nang nagtatago si Dayan.

Nanindigan ang abogado ni De Lima kay QCMTC Branch 34 Judge Maria Ludmila De Pio Lim na hindi totoo na ginamit nito ang pagiging senador para takutin si Dayan.

Dahil umano sa banta sa buhay kaya nagtago noon si Dayan at walang kinalaman ang palitan nila ng text message ng kanyang anak na si Hana Mae.

SHARE