Dignidad kapalit ng multi-bilyong grant

By

“National dignity more precious than aid”.

Ito ang pagtatanggol ng isang administration congressman sa mga kumukuwestiyon sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggihan ang P13.8 Billion na tulong ng European Union (EU).

Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo, dapat aniyang unawain ng mga Filipino ang desisyon ni Duterte dahil walang katapat na halaga ang dignidad ng bansa kumapara sa ayuda ng international community.

“Self-determination and sovereignty do not have a price, which was what the Duterte administration had shown in its decision to stop aid from the European Union that has strings attached that interferes in the internal affairs of the country,” ayon kay Castelo, miyembro ng PDP-Laban.

Ang pagtabla ni Duterte sa tulong ng EU ay bunsod ng pagkapikon ng pangulo sa pagpuna ng EU sa war on drugs ng pamahalaan.

Tumanggi si Duterte na tanggapin ang P13.8 Billion na tulong ng EU subalit ayon kay Castelo, hindi lahat ng nasabing halaga ay tinabla ng pamahalaan kundi ilan lang na mayroong kapalit na kondisyon.

SHARE