Una sa Balita

CP BAWAL NA SA BIYAHE!

By ,
0 147

Huhulihin na ang lahat ng mga motoristang gagamit ng mobile communication devices, electronic entertainment at computing gadgets o devices habang nagmamaneho.

Ito ay kasabay sa pag-arangkada ngayong araw sa pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving (ADD) Law (Republic Act 10913 describes ‘distracted driving’) o pagbabawal sa paggamit ng cellphone at anumang uri ng electronic devices habang nagmamaneho dahil sa highly tinted na salamin ng behikulo ng mga ito.

Nakaalerto ngayon ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority at Department of Transportation (MMDA–DOTr) at maging ang Philippine National Police (PNP) para sa paghuli sa mga motoristang lalabag sa ADD Law o gagamit ng cellphone o anumang uri ng electronic entertainment at computing devices habang nagmamaneho at pagbabawal sa pang-angkas sa mga menor-de-edad sa motorsiklo.

Ayon sa DOTr at MMDA, matapos ang labinlimang araw na pag­lathala ng Implementing Rules and Regulations (IRR), ngayong araw na ito pormal nang ipapa­tu­pad sa lahat ng moto­rista, mapa-pampubliko at pampribadong behikulo sa buong bansa ang paggamit ng mobile gadgets habang nagmamaneho.

Bukod sa mga pampubliko at pribadong behikulo, sakop din ng naturang batas ang wheeled agricultural machineries, construction equipment, bisikleta, pedicabs, trolleys, habal-habal, kulig­lig, wagons, carriages at mga kariton na de-tulak o de-hila ng hayop na babagtas sa mga major at public thoroughfares, highways o mga kalye.

Nabatid na exempted lamang ang motorista sa naturang batas at maaa­ring gumamit ng mobile phone para sa mga emergency na tawag mula sa law enforcement agent, magre-report ng krimen o kahina-hinalang kilos, kapag may aksidente, kalamidad, bomb threat, terrorist activities, health care at rescue operations.

Layunin ng naturang batas na maging ligtas sa pagmamaneho at upang makaiwas sa aksidente.

Sinumang violator sa naturang batas trapiko ay papatawan ng multang P5,000 sa unang paglabag, P10,000 para sa ikalawang paglabag at P15,000 para sa ikatlong paglabag at tatlong buwang suspension ng driver’s license.

Kapag nasa pang-apat na beses na sa paglabag, ay revocation na ng dri­ver’s license at P20,000 ang multa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy