CHR, bubuksan ang DDS probe

By
721

Muling bubuhayin ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon sa Davao Death Squad (DDS) na ikinakabit sa pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Commissioner Roberto Eugenio Cadiz, mayroon na silang sapat na dahilan ngayon para ikasang muli ang pormal na imbestigasyon sa DDS.

Bagamat kinuwestiyon umano sa Senado ang pagbaliktad ng testimonya ng self confessed DDS hitman na si retired SPO3 Arthur Lascañas, iginiit ni Cadiz na hindi maaaring basta balewalain ang detalyadong testimonya nito.

Bukod aniya sa testimonya ni Lascañas at ilan pang mga saksi, gagamitin ding ebidensya ang mga buto ng tao na nakuha noong 2009 mula sa Laud quarry sa Davao kung saan sinasabing ibinabaon ang mga itinutumba ng DDS.

“Even if Lascañas’ motive for implicating the former mayor in the Davao Death Squad has been put to question, especially by Senator Pacquiao during the 6 March 2017 senate hearing, the testimony itself is too compelling and detailed to ignore,” sabi pa ni Cadiz.

Giit ng CHR, ang mga testimonya ng dating DDS member na si Edgar Matobato at Lascañas partikular ang patungkol sa Laud quarry ay sapat na basehan para ipagpatuloy ang DDS probe.


SHARE