China mas malala ang kondisyon kesa EU

By

Mas malala ang kondisyon ng China kapalit ng kanilang pautang kumpara sa European Union (EU) na ang tanging layon ay protektahan ang karapatang pantao ng mga Filipino subalit tinanggihan ang kanilang tulong pinansyal.

Ito ang opinyon ni Legitimate minority Congressman Edcel Lagman ng Albay, kaugnay ng pagtanggi ni Duterte na tanggapin ang EU grant na nagkakahalagang P13.8 billion.

Ayon kay Lagman, hindi maituturing na pakikialam ang pagpuna ng EU sa extrajudicial killings sa bansa bagay na hindi nagugustuhan ni Duterte kaya ayaw tanggapin ang tulong pinansyal ng mga nabanggit na bansa.

“(But) he accepts Chinese pledges of aid and investments despite the overriding condition that the Philippines must not enforce against China the UN-supported arbitral decision of the United Nations Arbitral Tribunal,” ani Lagman.

Mas malala aniya ito dahil soberenya na ng bansa ang nakataya lalo na’t patuloy ang aktibidad ng China sa West Philippine Sea, kung saan hindi kontento sa sinakop na mga teritoryo ng Pilipinas sa Spratly Island at Panatag Shoal dahil pinag-iinteresan na rin ng mga ito ang Benham Rise.

Maliban dito, sinabi ni Lagman na boluntaryong ibinibigay ng EU ang nasabing halaga sa Pilipinas. Taliwas aniya ito sa China na kailangang sumunod ang Pilipinas sa kanilang kagustuhan na manahimik sa isyu sa West Philippine Sea bago ibigay ang loan na kanilang ipinangako.

SHARE