China bad trip na sa US

By
2111

Muling binalaan ng China ang Estados Unidos sa plano nitong magsagawa ng naval patrol sa pinagtatalunang South China Sea (SCS) o West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa ulat, sinabi ng Chinese Foreign Ministry na dapat na magdahan-dahan ang US sa ginagawa nitong pagpasok sa nasabing karagatan.

Kamakailan, lumabas sa Navy Times na ikinokonsidera ng US Navy at Pacific Command leaders na magsagawa ng freedom of navigation patrols ang San Diego-based Carl Vinson carrier strike group sa SCS.

Paliwanag ni Chinese Foreign Ministry spokesman Geng Shuang na ang tensyon sa South China Sea ay naging matahimik dahil sa pag-uusap ng Beijing at ng mga bansang kasama sa Southeast Asia kung kaya’t umapela ito sa US at sa iba pang bansa na irespeto ito.

“We urge the US not to take any actions that challenge China’s sovereignity and security,” sabi ni Geng.


SHARE