Bianca P. angat sa 1st round

By
29

Ipinakita agad ni Bianca Pagdanganan ang kanyang tikas matapos bumanat ng six-under 66 upang makuha ang abante sa first round ng Philippine Ladies Open Golf Championship kahapon sa Wack Wack Golf and Country Club’s sa Mandaluyong City.

Nakalamang ng dalawang stroke si Pagdanganan sa tinikadang tatlong sunod na birdies kasama ang chip mula sa 20 yards sa No. 14.

Ganado ang 19-year-old sophomore mula Gonzaga University, nagre­histro pa ng apat sa homeward nine kasama ang three straight sa No. 6 sapat para makuha ang top spot.

Sa closing hole sumama ang tira ni Pagdanganan, nagtala ito ng kaisa-isang bogey.

“I did not expect to hit this way today as I struggled at Riviera last week,” saad ng sports management student. “But it all worked together for me. I was able to put my ball on spots where I wanted and my putting was just as awesome.”


SHARE