Barikada kontra eviction sa Pandi pabahay

By
139

Barikada ang isinalubong kahapon sa mga tauhan ng National Housing Authority (NHA) nang isilbi ang pitong araw na eviction notice sa mga miyembro ng Kalipunan ng mga Damayang Mahihirap (Kadamay) ­para maayos nilang lisanin ang mga inokupahang libu-libong unit ng pabahay ng gobyerno na hindi nakalaan sa kanilang grupo.

Hindi nagpatinag ang mga kasapi ng Kadamay na sinusuportahan ngayon ng iba’t ibang militanteng kilusan sa mga inokupahan nilang pabahay sa bayan ng Pandi, Bulacan. Sa kasalukuyan ay mahigpit ang ­ginagawang proteksyon sa bisinidad ng resettlement area kung saan ay mayroon na silang sariling gate at hinahanapan ng ID ang pumapasok sa bisinidad ng housing project ng gobyerno.


SHARE