Bantang ‘pugot’ ni PDU30 sa HR advocates, alarming

By

Kapag may namatay na HR advocates, alam niyo na kung sino ang salarin — solon.

Hindi na kailangan ng imbestigasyon kapag mayroong human rights advocates na mamamatay dahil sa pagbatikos nito sa giyera kontra ilegal na droga ng gobyernong Duterte.

Ito ang pahayag ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, hinggil sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pupugutan ang mga human rights advocates na babatikos sa kanyang giyera kontra droga.

Sinabi ng mambabatas na lubhang nakakabahala ang bantang ito ni Duterte dahil posibleng i-target din umano ng mga fans ni Duterte ang mga human rights advocates kasabay nang pagpatay sa mga taong pinaghihinalaang drug user at drug pushers.

“It’s becoming irrita­ting to hear a President giving death threats to HR advocates. But in the same vein, it’s a cause for worry as his fanatics will take his word literally and do his bidding,” ani Villarin.

“It’s a dangerous pre­cedent if such happens and the President should be held accountable for it,” dagdag pa ni Villarin kapag sineryoso ng mga Duterte fanatics ang bantang ito.

Umaasa naman si ACT party-list Rep. France Castro na nagbibiro lang si Duterte sa kanyang banta sa mga human rights advocates dahil nakaka­bahala aniya ang mga ganitong banta sa isang demokratikong bansa.

SHARE