Bakla ba ko?

By
5925

Dear Mr. X,

Kung alam mo lng, Mr. X. Tgal kung pinagisipan tong sulat ko. Hugot lkas ng loob tlaga.

First time ko kc illabas tong matagal ko ng tanong sa sarili ko. Bakla ba ko? Sna nman wg kang mtawa sa tanong ko. Khit na nga tlagang nakktawa. Di ko alam kung karma saken to kc medyo bully ako sa mga bading.

Kwento lng muna ko konte tungkol saken pra matulungan mo ko msagot tanong ko.

Mr. X, hindi ako panget. Ang totoo, pwera yabang, mejo ppasa akong hunk. Ma-conscious kc ko sa katawan. Regular ako sa gym. Gustong gusto ko inaalagaan yung abs ko ska muscles sa legs. Jan ang hangout nmen ng mga bro ko. Di den ako mabisyo, lalo yosi. Baho sa breath!

Kung hindi sa gym, mdalas hangout sa haybol ng tropa pg me mga games na ppanoorin. Basketball, UFC, mga World Series like yang Major League. Dun na din mdalas umiinom. Pro hindi tlaga ako mlakas lumaklak. Lam nman nila yan. Dali kong malaseng.

Isang bagay na kinakainggit saken ng tropa e mga GF ko. Kundi kc mgganda, ska tlagang vavavoom sa kaseksihan. Ang totoo, high standards tlaga ko sa face ng mga girls. Yung physical features ang priority ko sa GF. Di mashado sa ugali.

Eh kya din cguro hindi nagttagal. Eh pg kc mganda, sexy dami den umaaswang.

Sa lhat ng GF ko, etong si Xsie ang massabi kong dabest.

Byuti na mabaet pa. Jackpot tlaga ko. Pro sya den ngpa-confuse sken tungkol nga sa sexuality ko.

Never kc ni-raise ng mga ex ko yung tanong kung gay ako e. C Xsie lng tlga.

Nung nging kme kc totoo naman na halos wla kmeng tym na kme lang. Lage ko syang hila sa mga hangout ng tropa.

Ganun naman ako tlga! Gusto ko ka-bonding mga bro ko khit me syota na. Pra kcng wla naman kme pgkukwentuhang GF ko e. Wla syang alam sa basketball, sa gym, sa boys talk.

Una, sbe nya bat daw bihira kmi mag-date na kme lng. Khit dw movie, minsan last minute ng-aaya pko ng tropa. Naisip ko lng, eh totoo nga!

Tpos tinanong nya ko kung virgin ba ko. Shempre lkas ng tawa ko! Sus, tanda ko na pra maging virgin noh!

Eh bat daw halos hindi kme nagse-sex.

Sa dinami-dmi ng naging GF ko, tlagang c Xsie lng dretsong kumuwestyon sa pagkallaki ko. Bad trip shempre! Pro napaisip dn tlga ko, Mr. X.

Khit nga mga tropa ko, lgi nla kung kinakntyawan. Lgi cla nagppkwento ng sexcapades nmen ng mga GF ko. Eh mgganda nga kc. Tulo dw laway nla.

Kla nla gentleman lng ako kya d ako ngkkwento. Yun dw cguro bertud ko sa mga girls. Ang di nla alam, hndi ako mahilig dun.

Mr. X, bsta ba tunay na lalake dpat mahilig tlagang i-do ang GF nla? Porke ba hindi ganun bakla na?

Tpos me nabbasa pko nay un dw mga bagong sibol na bading e sa gym ang bagong hunting ground. Eh db, lgi nga ako sa gym.

Totoo nman na tumitingin ako sa abs ska muscles ng mga ka-gym ko pro pra ikumpara yung saken. Gusto ko sinlaki ng muscles ska sing ganda ng abs nila yung saken.

Normal yun db?

Mr. X, pno kung sabihin mong bakla ako? Hindi yta ako hndang marinig yun. Hindi ko mttanggap. Wla naman kc sa lahi namen. Sn ko nman yan mamamana?

Payuhan mo sna ako, Mr. X. Sna me ganto lng tlgang lalaki.

Ako si Hunk

****

Dear Ako si Hunk,

Hindi ako magpapaliguy-ligoy sa sasabihin ko sa’yo yaman din lang na humingi ka ng payo o ng opinyon ko kung ano ka sa tingin ko.

Ang totoo, ikaw lang naman talaga ang makakasagot ng tanong mo.

Hindi mo nabanggit kung ilang taon ka na. Kung minsan kasi, may mga panahon na dumadating ang kalituhan sa isang tao at malaking factor dito ang kanyang edad.

Natawa ako nung sinabi mo na wala naman sa lahi ninyo ang bakla. Wala naman kasi sa genes ‘yan. Hindi ‘yan isang uri ng sakit na kapag nasa dugo ng mga ninuno mo ay pwedeng maisalin sa iyo.

Wala sa laki ng katawan o tikas ng tindig ang seksuwalidad ng isang tao. Wala rin sa mga aktibidad nito o iyong mga bagay na kanyang nakakahiligan. Normal naman din talaga sa isang lalaki na matropa. Gusto, mga dabarkads ang ka-bonding kasi nga, maraming napapagkwentuhan.

Pero hindi rin naman garantiya na tunay na lalaki ang mga macho na kuntodo sa pagpapaganda ng abs at pagpapalaki ng muscles. Pati ang hilig sa sports, hindi rin batayan ng pagiging tunay na lalaki.

Ibabalik ko lang sa’yo ang tanong: E, ano naman kung bakla ka?

Hindi ko sinasabing bakla ka nga dahil gaya ng bungad ko rito, ikaw lang ang makakaalam niyan. Pero kung sakali nga na ma-realize mo na bakla ka, walang masama roon.

Maaaring iba ang isinasaad ng Bibliya at ng mga turo sa Simbahan tungkol sa pagiging bakla pero saganang akin, tayo bilang tao ay dapat nating ituring na nilalang ng Maykapal ang lahat at sa mata ng Lumikha ay pantay-pantay tayo.

Iyong sinabi mo na parang medyo mahina ka sa sex kahit na anong gaganda at seseksi ng mga GF mo, hindi pa rin ‘yan basehan para masabing bakla ka nga. Bagama’t medyo intindido na magkakaroon nga ng pagdududa sa parte ng mga GF mo.

Sa akin lang, baka mas me problema sa confidence mo sa sarili kaya ang pinipili mo sa babae ay ganda at sexy. Para lang ipan-display sa tropa.

Sa pag-gi-GF, mahalaga pa rin na mahal mo talaga. Hindi lang para gawing ‘prized trophy’.

Tandaan mo, Ako si Hunk, wala sa pagiging macho o pagiging bakla ang sukatan ng pagkatao. Ang importante, masaya ka kung ano ka at marunong kang rumespeto sa iba.

Mr. X

***

May mala-teleserye ka bang ­HUGOT story? May pinagdadaa­nan? O luma-lovelife lang? Share na dito! Baka may maka-relate sa’yo! I-email sa abante­secrets@gmail.com.


SHARE