Bagong BOYLET, welcome na welcome kay Daiana M.!

By
199

Nagsalita na ang Brazilian model and TV host na si Daiana Menezes tungkol sa kanyang divorce sa mister, na dating congressman, noong November 2016 pagkatapos ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa. Kahit na nauwi sa hiwalayan, wala raw pinagsisisihan si Daiana.

“You know ‘yung mga bagay na nangyayari sa buhay natin, lesson lang ‘yon.

“I don’t regret anything. Siguro, before, I regret the fact na ang tagal ko bago mauntog. It took me so long to actually make the decision.

“I should have done it before, but I don’t regret it because if I didn’t do it, maybe I wouldn’t be here right now.

“Part ng buhay natin ‘yun. Right after that, ang daming blessings, I started working again, and here I am,” ngiti pa niya.

Handa na raw pumasok ulit sa bagong relasyon si Daiana.
“Oo naman, siyempre tao pa din ako, I need to have something.

“Natuto rin ako. Kasi madaldal ako, honest at prangka. That’s why I get into intrigues all the time, because I speak the truth.

“Yes, I’m ready for more but I learned that I have to keep my mouth shut when it comes to that.

“I won’t be as open about my love life. Isa ‘yan sa mga lessons na na­tutunan ko,” diin pa niya.


SHARE