Arrest warrant vs Kerwin

By
116

Ipinaaaresto ng Baybay, Leyte Regional Trial Court si Kerwin Espinosa Jr. at dalawa pang iba dahil sa kinakaharap na kasong murder.

Sa inilabas na warrant of arrest ni Baybay City RTC Branch 14 Presiding Judge Carlos Arguelles, kabilang din sa ipinaaaresto ang dalawa pang akusado na sina Jesus Tulin, alyas ‘Loloy’ at Brian Anthony Zaldivar Gates, alyas ‘Tony Pet’.

Walang piyansang inirekomenda ang korte kapag naaresto na si Kerwin at dalawang kapwa niya akusado.

Napag-alaman na nasa kustodiya ng NBI si Kerwin sapul nang ilipat ito ng PNP mula nang dumating sa bansa dahil naman sa pagkakadawit sa illegal drug trade.

Si Kerwin ay tinaguriang drug dealer ng iligal na droga sa Eastern Visayas.

Sa nasabing warrant of arrest, ito ay may kinalaman sa pagpatay sa isang Gregorio Velarde Sr. noong 2015.

Napag-alaman na inutusan umano ni Kerwin sina Tulin at Zaldivar Gates na patayin si Velarde. Ang dalawa ay naaresto na ng pulisya sa Ormoc City noong Sabado.


SHARE