ANSABEEEH???: “Nahiya ako! Kinabahan sa kissing scene kay Jen!” — Gil

By

Masarap naman palang kausap ang bagong leading man ng Kapuso network na si Gil Cuerva.

Articulate naman itong sumagot sa bawat tanong at kahit na sinasabi ­niyang hindi siya magaling sa tagalog, hindi namin halos napansin dahil diretso naman ang pana­nagalog niya kahit kadalasan ay taglish.

Positive ang aura ni Gil at mukhang kahit galing sa well-off na pamilya. Nakapagtapos ng elementary at high school sa Ateneo at nag-­dalawang kurso sa La Salle, hindi mayabang ang dating nito.

Model na si Gil bago makapasa sa audition as Matteo Do sa My Love From The Star at dapat ay sa Thailand ang next modelling job niya, reason din kung bakit mahaba ang buhok niya dahil isa raw yun sa ni-require sa looks niya.

Pero, naisipan nga raw niyang mag-try na mag-audition for MLFTS at nakuha naman niya ang role.

Aminado itong at first, na-culture shock daw siya sa showbiz. Aniya, “It’s different from ­modelling. Different sacrifices but it’s something that I embrace.”

#mlftspresscon #jengil #jennylynmercado #gilcuerva #mlfts #mylovefromthestar

A post shared by Jennylyn Mercado Nation (@jennylynnation) on

Sa ngayon, gusto raw niyang mag-concentrate sa acting and be a great actor. Eventually, gusto rin niyang maging director.

Masuwerte si Gil dahil unang teleserye niya, bukod sa marami na ang may gusto at nag-aabang ng Pinoy adaptation ng MLFTS, heto’t bida na siya agad at leading man ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Kung nine years ang age gap nila sa totoong buhay, mukhang may significance sa kanila ang nine dahil nine takes din ang inabot ng kissing scene nila. Nakarami siya kay Jen, huh?


“Nahiya ako. Siyempre si Jennylyn ‘yun. Talagang nahiya ako, kinabahan ako. Hindi lang basta-basta yung ka-kissing scene ko, si Jennylyn. I think, a lot of nervousness came out and it took a lot of tries para lang mawala yun.”

Nag-usap na lang daw sila ni Jennylyn na galingan na lang daw nila para matapos na.
Hindi ba siya tinulungan ni Jen?

“Actually tinulungan niya ako like dapat ganito, ganiyan.”

Kung si Gil ay nailang at naka-9 takes sa kissing scene with Jen, mukhang minani lang naman niya ang shower scene niya na nagpakita siya ng buong top at ng kanyang abs.

Naka-brief lang din siya rito at para kay Gil, mas madali ang eksenang yun.

“Walang other person, ako lang naman. At saka, sa modelling, ang dami ko rin namang shirtless.”

ROCHELLE AT ARTHUR, TULOY ANG KASAL SA AUGUST 8!

Tuloy na nga ang kasal nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa August 8, sa Tagaytay City.

Mabilis ang takbo ng araw at ang nasa isip ni Rochelle, may tatlong buwan pa para ma-prepare nila ng maayos ang wedding, nagulat ito na ­halos dalawang buwan na lang.

At least, nagtapos na noong Biyernes ang isang taon din nilang telefantasya na Encantadia.

Buong taon nag-taping si ­Rochelle kaya timing din naman na may dalawang buwan pa rin siya na maghanda.

Nakausap namin si Rochelle sa cellphone habang papunta itong salon. Ngayon pa lang daw siya makakapag-pakulay ng buhok ­after one year in Encantadia.

Mas gusto raw nila ni Arthur na maging simple at intimate pa rin ang kasal nila.

SHARE