ANSABEEEH???: IVAN-BARBIE, MALALIM ANG TSIKAHAN!

KEN CHAN, ‘HAPPY PILL’ NI BARBIE!

By
732

Sobrang close na raw talaga ni ­Barbie Forteza sa mga leading men niya sa primetime series nila na Meant to Be.

Halos araw-araw na nga kasi silang magkasama kahit na wala silang taping.

“Actually, parang wala na kaming ­bahay. Parang liguan na lang na­min ang bahay,” ­na­­ta­wang sabi ni Barbie.

Sa apat na leading men niya na sina Addy Raj, Ivan Dorschner, Jak Roberto at Ken Chan, tinanong namin ito kung kanino nga ba talaga siya nakaka-develop ng mas malalim na closeness.

Sa halip na sagutin, idi-describe na lang daw niya ang relasyon niya sa apat.

“Si Addy kasi, naging close kami kasi sobrang ­interested siya sa family ko.

Sobrang iba ‘yung ­culture. Kaya nagkaroon din ng moment na nagkaka­usap sila ng parents ko. At gusto niya rito. Gusto niya rin makapag-asawa ng Filipino.

“Si Jak ‘yung madalas na nagtatanong. Alam niya kapag pagod ako. Nakikiramdam siya sa akin kung ano ang nararamdaman o iniisip ko. At sinusubukan niya kong i-comfort.

“Si Ken ang happy pill ko. Siya ang aking source of energy. Kahit super segue way niya, hindi siya nauubusan ng energy.

Nag-i-effort siya para pasayahin ako at malaking bagay sa akin ‘yun.


“Si Ivan, inaalam niya kung ano ang gusto ng family ko. Kung ano ang gusto ko. Kami ‘yung may pinakamalalim na usap. Both intellectual and ­personal, ‘yung pa-in-depth.

“Parang lagi siyang may metaphor. Kapag dini-describe niya ko palaging may ganu’n. Siya ang ­go-to person ko,” tsika ni Barbie.

Sabi tuloy namin, sa kanilang apat, parang si Ivan ang may pinaka-partida na sa lahat.
“O, dinescribe ko silang apat! Ha! Ha! Ha!”

Sa huli tuloy, naitanong namin kay Barbie kung ready na ba siyang ma-in-love muli.

“Ako naman, ready naman ako pero ang ­gusto kong masigurado, kung ready na rin ba ‘yung mamahalin ko. ‘Yun! Ha! Ha! Ha!”

O ‘di ba, si Barbie na talaga ang ­pinaka-mahaba, shiny hair among the young actresses now, huh!

PIOLO, GOOD KARMA!

Naging emotional si Piolo Pascual sa presscon ng bago niyang movie, ang Northern Lights: A Journey To Love sa ­Valencia Events Place.

Pagkatapos na magbigay ang mag-inang Roselle Monteverde at Mother Lily Monteverde ng kanilang message kay Piolo at kung ­gaano sila kasaya na after 14 years, ­finally ay na­kabalik si ­Piolo at nakagawa muli sa ­Regal Films.

Sobrang overwhelmed naman si Piolo sa mga narinig at noong isang araw lang daw, kausap niya sa telepono si Mother Lily, hindi raw siya ­makapaniwala at pakiramdam daw niya, isa siyang Regal Babies.

Nagpapasalamat din si Piolo dahil sa ­op­portunity na ibinigay ng Regal na magawa niya ang ­Northern Lights na showing na sa March 29 kunsaan, co-­producer din siya at ang Star Cinema.

Close to home ang movie na ito ni Piolo kaya ganu’n ka-espesyal sa kanya. Bukod sa first team-up nila ni Yen Santos at sa New Zealand pa sila nag-shoot.

Ang tema ng pagiging mag-ama at mga pinagdaanan din nila ng anak na si Iñigo ang inspirasyon niya, pero ayaw naman daw niyang i-drag ang anak na siyang pag-usapan sa movie.

Anyway, feeling namin magiging malakas ang pelikula. Bukod sa ganda ng kuwento at visual base pa lang sa trailer, good karma ang siguradong ­balik kay Piolo kunsaan, sa last shooting day nila, ­ipinamahagi ni Piolo sa lahat ng cast and crew ang portion ng talent fee niya.


SHARE