ANSABEEEH???: EUGENE AT ITALYANO, ‘DI PA PAKAKASAL! 

By
476

Eugene Domingo
Eugene Domingo

Two years journey ang tawag ni Eugene Domingo sa kung gaano na sila katagal ng boyfriend na Ita­lian film critic na si Danilo Bottoni.

Noong July raw naging official na sila, though, it’s really a long-distance relationship for them. Hindi rin naging hadlang na malayo sila sa isa’t isa para maging masaya si Uge noong nakaraang Valentine’s Day.

Sa kabila pa ng ‘di pala uso o ganun ka-big deal sa Italy ang Va­lentine’s Day.

“Ay masaya, sobrang saya! Sa kanila kasi, walang Valentine’s, they don’t observe Valentine’s but I think, everyday sa kanila is Va­lentine’s because they are very passionate and expressive.

“Pero sabi ko, dito sobrang big deal. Takang-taka siya, pero hayun, sumakay naman,” masayang sabi niya.

Sa April, posibleng dumating sa unang pagkakataon sa bansa ang boyfriend niya at plano raw niyang ipakilala ang Asia rito kaya magtu-tour din sila habang kapag nasa I­taly naman siya, si Danilo naman ang nagpapakilala raw sa kanya sa Europe.

Itinanggi ni Uge ang bali-balitang engaged na sila at magpapakasal.

“We’re just enjoying our time together. That’s the most important thing. Hindi naman na tayo fifteen years old.

“Basta ang sa akin kasi, pasalamat na ko na dumating pa ‘to! Wala akong minamadali. I cherished every moment.”

Aminado naman si Uge na after ‘forever’ nga naman na sa tuwing tatanungin siya about lovelife, eh wala talaga­ siyang masabi dahil wala, ngayon very happy and in-love niyang sagot sa tanong namin kung naniniwala siya sa for­ever nang, “He’s my forever!”


And speaking of forever, hindi na rin kami magugulat kung maging forever Kapuso na nga si Uge dahil siya mismo ang nagsasabi na very grateful siya sa network at masayang-masaya siya rito.

Proud din si Uge na ang original concept na Dear Uge ay naka-one year na at mapapanood sa February 26 ang anniversary episode nila with Marian Rivera and Boobay as special guests.

Sure na rin daw ang pagbabalik ng Celebrity Bluff ngayong taong ito.


SHARE