Anong meron sa manok?

By
218

Ano ang makukuha sa pagkain ng manok? Mahilig kasi ako dito at madalas akong pumunta sa Manang’s Chicken. — Narding ng Malabon.

***

Naku, tiyak na magkakasundo kayo  ng mga anak ko! Tulad mo, mahilig din sila sa manok kaya dinadala ko sila sa Manang’s Chicken sa SM City North EDSA sa Quezon City.

Gustong-gusto nila ang glazed chicken at ang chips na may creamy cheese dip. Type ko naman ang cheesy ­chicken burger meal at spicy tinapa pasta nila. Sulit talaga ang pagpunta namin doon dahil masarap at mura ang pagkain. Ma­laki at mabigat din ang manok nila. Kaya ­hindi nakapagtataka kung bakit pinupuntahan ito ng maraming tao.

Alam mo ba kung paano nagsimula ang Manang’s Chicken? Ang masarap na ­manok nila ay galing sa secret recipe ng tagapag­luto nila na may pangalan na Manang. Niluluto ito ni Manang tuwing may handaan ang pamilya ng may-ari.

Sa loob ng 20 na taon, nag-enjoy sila sa soy garlic chicken ni Manang hanggang sa naisip nila na ipatikim ito sa ibang tao. Dahil dito nagkaroon ng Manang’s Chicken – ang kilalang fast food chain na makikita sa mga malls ngayon. Pag-aari ito ng Giabella Foods Corporation at bahagi ng MMG Group of Com­panies.

Mukhang maswerte ang manok sa negosyo nila. Maswerte din ito sa ibang tao dahil ma­laki ang naitutulong ng manok sa kalusugan natin. Ligtas ito na pagkain ­sapagkat bihira itong magdulot ng masamang epekto o allergic reaction sa tao.

Bukod dito, ­mayaman ang manok sa protina na tumutulong sa pagpapa­laki at pag-aayos sa kalamnan, buto, balat at dugo. Marami din ang bitamin at mineral nito. Masustansiya ang protina ng manok dahil konti ang cholesterol at saturated fat nito kumpara sa karne ng baka, tupa at baboy. Tanggalin lang ang balat para lalong mabawasan ang taba nito.

Ilang lamang ito sa benepisyo ng manok.  Kaya naman mapapa­tilaok ka talaga sa saya tuwing kakain nito!

***


May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue @yahoo.com, mag-text sa 0935-972-0691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers Online. Sasagutin niya ang mga tanong niyo dito. Si George ay beteranong health ­columnist at author ng 3 health books.


SHARE