Angelica Panganiban, pang-‘nanay’ na lang talaga ni Daniel!

253

Durog na durog na talaga ang pangarap o joke ni A­ngelica Panganiban na m­aka-partner sa movie o TV project si Daniel P­adilla.

Matapos nga niyang maging ‘anak’ si Daniel sa Pangako Sa’yo, gaganap naman siyang tunay na ‘nanay’ ni Daniel sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado.

Yes, tampok kasi sa MMK ang mga pinagdaanan sa buhay ng Queen M­other na si Karla Estrada, at si Angelica nga ang gaganap.

Na sa totoo lang, bagay na bagay, dahil halos pareho nga silang magsalita na parang  may taray, at parehong mestisahin.

Nakasanayan ni Karla ang isang marangyang buhay hanggang sa isang araw, namatay ang kanyang lolo na siyang tumutustos sa pangangailangan nilang pamilya.

Dahil sa nangyaring ito kung kaya’t napilitan sila na lisanin ang nakagisnang buhay at lumipat sa lungsod ng Tacloban.

Sa kabila ng hirap sa buhay, nanatiling determinado si K­arla para maabot ang kanyang pangarap na maging isang sikat na artista balang araw.

Lakas-loob siyang sumali ng singing contests subalit hindi sang-ayon dito ang kanyang ina at pinipilit siyang huwag na ipagpatuloy para iwasan ang kritisismo mula sa iba.

Hindi natinag nito si Karla at nagpatuloy sa pagkanta. Duma­ting ang pinakahihintay niyang pagkakataon nang madiskubre siya sa isang music hub sa Quezon City na nagbigay daan sa kanya para makapasok sa programang That’s Entertainment.

Biglaang kasikatan ang natamo niya sa kanyang karera ngunit sa kasagsagan ng tagumpay, hindi inaasahang mabuntis siya sa una niyang anak.


Karla Estrada

Paano kaya hinarap ni Karla ang kanyang pagbubuntis lalo na at nasa rurok siya ng kanyang career?

Makakasama rin sa up­coming episode sina Alexa Ilacad, Sharmaine Sua­rez, Carlos Morales, JhaiHo, Cheska Billiones at Roy Requejo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Efren Vibar at panulat ni Arah Badayos at Mae Rose Balanay.

Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang ‘MMK’ tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.pho skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.


SHARE