Alvarez, atras sa ‘stupid’ remarks sa impeachment

By
17633

Biglang bawi si House Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang ‘stupidity’ remarks sa isinampang impeachment complaint ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alvarez, nais lamang niyang ipahiwatig na pag-aaksaya lamang ng panahon ang isinampang reklamo laban sa pangulo at hindi nito intensyon na tawaging stupid o kalokohan ang impeachment.

“Hindi naman stupidity kundi ang gusto ko lang sabihin ay sasayangin lang ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang panahon ng Kongreso sa pagproseso. G impeachment complaint,” paliwanag ni Alvarez.

Giit ni Alvarez, maraming nakabinbing panukalang batas sa Kamara na maiipit oras na umpisahan ang impeachment process.

“Kakain ito ng oras dahil ito ang aatupangin ng Kamara,” dagdag pa ni Alvarez.

Sa pagtaya ni Alvarez, posibleng abutin ng Pasko ang proseso ng impeachment na tiyak na masasagasaan ang pagtalakay sa mahahalagang priority bills lalo na ang isinusulong na tax reform package at iba pang panukala.


SHARE