Advertisement

THE SOURCE: Pagkakahawig nina Al Tantay at Roy Alvarez, nakakapangilabot!

By Jojo Gabinete    |   Posted on 1 year ago

Natagalan ang paglabas ni Al sa Villa Quintana dahil sa mga advance?tapin­g ni?Roy?bago ito suma­kabilang-buhay?noong February?11. Nang?tanggapin ni Al ang offer bilang replacement kay Roy, nagdasal siya sa Diyos. ‘Kinausap’ din ni Al si Roy para gaba­yan siya.

Hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagpili kay Al para maging kapalit ni Roy dahil halos hindi nagkakalayo ang kanilang physical appearance. May mga eksena na kahawig ni Roy si Al na tiyak na napansin at ikinakilabot ng?viewers?ng?Villa Quintana.

Ang sitwasyon ni Regine Velasquez ang?kinumusta ng Baguio City press kay Ogie Alcasid nang dumalo ito sa closing ceremonies ng Panagbenga Flo­wer Festival noong nakaraang linggo.

Itinanong ng Baguio press kay Ogie kung naka-move on na si Regine mula sa pagpanaw ng kanyang biyenan.

“Hindi pa,” ang sagot ni Ogie dahil close na close si Regine kay Mang Gerry kaya naiintindihan niya na matatagalan bago maka-recover ang kanyang asawa.

Nagpunta si Ogie sa Baguio City para i-promote ang kanyang bagong tawaserye sa TV5, ang Confessions of a Torpe.

Malakas na palakpa­kan at tilian ang sumalubong kay Ogie nang umakyat ito sa stage, isang malinaw na ebidensya na nananatili ang kanyang popularidad sa masa, kahit lumipat siya sa Kapatid Network.

Nasa ibang television station man si Regine, tinutulungan niya si Ogie sa promo ng Confessions of a Torpe. 

Ang Instagram account ang ginagamit ni Regine sa pagpapaalaala sa kanyang followers tungkol sa Monday-to-Friday tawa­serye ng mister niya.

For more updates and latest news, follow us & subscribe!
DISCLAIMER: Comments posted here do not represent or reflect the views of Abante Online. While we respect the opinions of our readers to exercise their right to free expression, we reserve the right to moderate comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with Abante editorial standards. Abante Online is not liable for any false information posted by readers in the comment section.
Advertisement
Back to Top

Most Liked

Advertisement