9,000 tripulante stranded

By
22

Siyam na libong tri­pulante ang hindi pa rin makaalis sa mga pantalan dahil sa bagyong ‘Auring’.
Sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), bagama’t nasa kategor­ya na lamang ng low pressure area (LPA) ang bagyong Auring, nana­natili pa rin umanong malikot ang alon sa karagatan kaya’t ­marami pang barko ang hindi pa nakakapaglayag.

Pumalo sa 8,767 ang na-stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa matapos ang apat na landfall ng buena-manong bagyo ngayong 2017.

Hindi pinayagang maglayag ang 173 na sea vessels, 463 na rolling cargoes, at na 60 ­motor banca.

Pinakamaraming naitalang stranded na tripulante sa Central Visayas, Northern, ­Western Visayas at Eastern ­Visayas.


SHARE